Una sa Balita

MRT-3 tumirik sa Buendia, 150 pasahero pinababa

By
0 2,385
UNANG pasada pa lang ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 nitong Sabado ng umaga ay nagkaroon na agad ng aberya kung saan nasa 150 pasahero ang inabala nito matapos na tumirik ang sinakyan nilang tren.
 
Sa report ng dotcmrt3.gov.ph, nagkaroon ng electrical failure ang tren sa Buendia station southbound kaya pinababa ang mga pasahero bandang alas-5:51 ng umaga.
 
Maagang nairita ang mga pasahero ng MRT-3 dahil umabot sa 13 minuto bago pa sila muling nakasakay kaya naman lubos ang paumanhin na nariri­nig sa speaker ng istasyon.
 
“Maaga na nga ako umalis para makaiwas sa traffic kaso nagloko naman ang MRT at ang tagal pa po kaming pinaghintay, hindi ko talaga inaasahan ang ganito katagal na paghihintay, nasa mahigit 15 minutes na yata kami sa Buendia,” ayon kay Maricel Matic na regular na pasahero ng MRT-3.
 
Sa ngayon ay nasa pitong tren ng MRT-3 lamang ang bumibiyahe nang balikan sa North Avenue hanggang Taft Avenue stations.
 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy