Una sa Balita

MRT-3 may libreng sakay sa mga minor

0 411

MAY ipatutupad na libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kanilang mga pasaherong menor de edad o mga batang nasa edad 18-anyos pababa bukas Nobyembre 6, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 27th National Children’s Month.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na maaaring makasakay ng libre ang mga menor de edad mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 nang umaga, at mula alas-5:00 nang hapon hanggang alas-7:00 nang gabi sa Miyerkoles.

“Magandang balita! May libreng sakay sa MRT-3 ang ating mga menor de edad 18 taong gulang pababa na pasahero sa darating na ika-6 ng Nobyembre 2019!” pahayag ng DOTr-MRT 3.

“Ang pagbibigay ng libreng sakay ay bilang pakikiisa ng ahensya sa pagdiriwang ng 27th National Children’s Month,” dagdag pa nito.

Para sa mga estudyante, maaaring iprisinta lamang ang kanilang School ID sa mga station personnel ng MRT-3 na nasa service gate upang makalibre ng sakay.

Ang MRT-3 na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA ang siyang nag-uugnay sa Taft Ave., Pasay City hanggang sa North Ave., QC. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More