Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MRT-3 hinigpitan mga bagahe

0 71

Naglabas ng mga bagong panuntunan ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 para sa mga maaaring dalhin at isakay sa loob ng kanilang mga tren upang mas mapadali ang biyahe mula Pasay City hanggang Quezon City.

Pero paalala ng MRT-3 na kailangang dumaan sa screening o inspection ng MRT-3 personnel ang mga ipapasok na bagahe.

Una na rito ang mga hand-carried baggage na para sa mga may dalang maleta o bagahe. Papayagan lamang ang package na hindi tataas sa 2ft. x 2ft. at kailangang buksan para sa inspection.

Puwede namang ipasok ang stroller ng mga sanggol basta natitiklop at maaari ring isakay ang mga folding bike sa tren.

Puwede na ring makapasok ang mga fresh meat, fresh fish, at masasarap na daing at iba pang sauce basta maayos na selyado at hindi makakagambala sa ibang pasahero dahil sa amoy nito.

Una nang inanunsiyo ng MRT-3 na puwede nang isakay ang mga alagang aso at pusa subalit may mga panuntunang itinakda hinggil dito para na rin sa kalinisan at kaayusan habang nasa biyahe. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.