Una sa Balita

MRT 2-beses nagkaaberya

By
0 26

Muling nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 kahapon ng umaga.

Alas-8:35 ng umaga, naglabas ng abiso ang MRT at sinabing mayroong service interruption sa kanilang biyahe.

Itinaas sa Category 4 ang status ng MRT dahil nagkaroon umano ng problema sa signaling system sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue Stations.

Dahil sa nasabing problema, na-delay ang dating ng mga tren.

Alas-8:56 nang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren.

Samantala, alas-11:30 ng umaga nang muling nagkaaberya ang MRT.

Pinababa ang mga pasahero sa Cubao Station northbound dahil sa naranasang technical problem ng isang tren pero agad ding bumalik sa normal ang biyahe nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy