Una sa Balita

Mrs. Geronimo umani ng batikos sa mga netizen

0 1,074

Labo-labo na ang mga fan sa nangyaring kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, na uma­bot sa suntukan noong Huwebes nang gabi (Feb. 20) sa BGC, Taguig.

Pero kung susumahin mo, bagama’t may mga nagtanggol kay Mommy Divine, nanay ni Sarah, mas marami talaga ang nagalit sa kanya.

Sabi ni Ann Ibesa: “Grabe c Sarah ah d man lang nag-antay sa simba­han di man lang pinapunta ung magulang walang galang sa magulang. Bastos.”

Hirit naman ni Nene Garcia: “Kahit ako sa lugar ni momi D maghinanakit talaga ako, kukunin mo anak ko sa akin ‘di ka lang naman nagpaalam Matteo, sana bago kayo nagpaka­sal kinausap nyo ng masinsinan ang ina ni Sarah para at least alam nya, anak niya ‘yan may karapatan xa malaman.

Respeto ang tawag jan, at may pagka-violente ka pa Matteo nanapak ng body guard ni Sarah, bakit kailangan ilihim sa mga magulang ‘di ko talaga ma-gets. Di naman siguro nagwala ina ni Sarah doon ang sabi gusto lang makausap ang anak. Mahirap ba yon intindihin, ina xa. haaaay buhay.”

Pero siyempre, sangkatutak ang buwelta ng mga fan nina Sarah at Matteo na kampi sa mga idolo nila.

Saad ni Blue Atlas: “Si Mommy Divine ang definition ng word na Pu@#$ I@# haha. Dati nun bata ako sinasbi na masama yon mura na yon ngayon naniniwala nako na sa word na yan nanay ang pinapatamaan haha bagay kay Mommy Divine.”

Depensa naman ni Boss Gino laban sa tumawag na bastos si Sarah: “Napaka- stupido mo. 31 years old na si Sarah. Ayaw pa din pumayag yong nanay nya na ikasal. Bakit nya iimbitahan yong nanay nya eh kung tutol din sya. Bobo mo.”

Pagtatanggol pa rin ni Mellea Mei Lagda: “Bastos agad? Ilang taong paggalang ginawa ni Sara­h sa nanay nyang selfish tapos ngayon di man lang nya suportahan sa ikaliligaya ng anak nya?”

At sabi pa rin ni all about kyle: “Ang mama nya ang walang gana sa kaniya nakapagplano na cla pakasal sa Italy halos prepared na nga eh kaso ang mama nya ayaw pumunta ni hindi nga magpapakuha ng size para sa gown. tutol talaga eversince mama nya sa kaligayahan nya kc gusto nga papermahin c Matteo ng prenuptial agreement lantaran na talaga ang pagkamukhang pera. Sorry sa words pero subra na talaga ang mama nya kaya ok lng na hindi cya nakadalo.”

At mensahe ni Jeniffer Cardoza: “Ang gulo mo Mommy Divine anu ba kc gusto mo tumanda dalaga c Sarah sobra sobra na napundar nya para sa inyu.”

Kaloka, ‘di ba? (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More