Una sa Balita

Mrs. Geronimo pinatay sa Facebook

0 812

Digital ang karma, kaya sana ay makaramdam naman ng kahit na katiting na takot ang mga mahilig gumawa ng mga pekeng balita.

Kaloka na sa gitna ng isyu sa pagitan ng mga bagong kasal na sina Sarah Gero­nimo-Matteo Guidicelli at Mommy Divine, heto at may mga gumawa ng kuwento sa social media na kesyo nagpatiwakal daw ang huli.

Heto nga ang nagsusumigaw na headline sa isang social media outlet: “Ina ng aktres, singer na si Sarah Geronimo, nagpakamatay matapos ‘di matanggap ang pagpapakasal ng anak kay Matteo Guidicelli.”

Kung titingnan mo ang Facebook account na ‘yon, parang agad-agad kang maniniwala, dahil ipinapa­kita nga si Sarah na umiiyak pa ang yakap-yakap ng isang babae.

Makikita rin ang isang photo na magkatabi silang mag-ina. Pero, ‘yon na nga, nang pindutin ng mga Facebook subscriber, nagsisi lang sila.
“Fake news! Naloko ako!” sabi ng isa.

“Yes, naloko rin ako. Nai-share ko na bago ko na-click. Eh, wala naman palang video!” sabi ng isa pa.

Pinag-iingat ng isang netizen ang mga pumipindot sa account na ‘yon, dahil possible nga na paraan lang ‘yon para makuha ang impormasyon ng mga may Facebook user na maaring gamitin sa ibang scam, o sa mga modus nila.

Well, sabi ko nga, digital ang karma, at para sa mga taong gumawa ng ganito, na sa halip na ipagdasal na magkasunod ang mag-ina, baka mangyari rin sa inyo ang mga kagaguhang ganito.

Pokwang gustong ipakulam ang kampo ni Sen. Go

Tutok na tutok si Pokwang kahapon sa pagdinig ng Senado sa Franchise Renewal ng ABS-CBN. At siyempre, aktibo siyang nagpo-post sa kanyang Facebook account.

Panay rin ang labas niya ng mga photo na kasama niya si ABS-CBN President Carlo Katigbak, at pati na rin ng photo niya na may suot siyang ribbon na simbolo ng Dos ngayon.

Isa nga si Pokwang sa nag-aalala sa mga empleyado na mawawalan ng trabaho. Aminado siyang magiging mahirap para sa isang artista na tulad niya kapag nawala o nagsara ang ABS-CBNB.

At kahapon, matapos magbi­gay ng mensahe ni Sen. Bong Go, na kung saan ay nabanggit nga nito ang tungkol sa galit ni President Duterte sa Kapamilya network, dahil na rin sa hindi pagpapalabas o pagsasaere ng mga campaign ad nito noon, at sa halip daw ay inilabas ang mga panirang video kay Digong.

At siyempre, hindi na naman naawat si Pokwang sa paglabas ng kanyang emosyon.

“Ewan ko sayo BONG GO!!!!! Jusko nasaan na ba yong mga bumoto dito at maipakulam na aw aw aw aw…. Tsuuu­….!” sabi ni Pokwang.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More