Una sa Balita

‘Mr. Newsreader’ maggu-goodbye na!

0 1,203

HINDI umubra ang ka­sabihang, “Kalabaw lang ang tumatanda” kay ‘Newsreader’ ng isa sa higanteng television network sa bansa dahil posibleng mapaaga ang pagretiro nito.

Nakarating kay Mang Teban ang planong pagretiro ni Newsreader matapos makaramdam ng pagod sa trabaho lalo pa’t nagkaka-edad at nagi­ging kumplikado din sa personal na trabaho.

Madalas idaing ni Newsreader ang panana­kit ng ka­tawan dahil marahil sa edad at epekto ng mga kalokohan noong kabataan at sumabay pa ang ma­tinding pressure dahil sa kabalbalan ng isang malapit dito.

Lingid sa kaalaman ni Newsreader, palihim na ikinatuwa ng management ang posibleng pagretiro dahil maraming sinabitang isyu at nalagay pa sa balag ng alanganin ang kompanya sa mga kabalbalang pinagagawa sa panahong nama­yagpag ang nabanggit.

Naging bias si News­reader sa mara­ming politiko, nag­­daang ad­ministrasyon o iba pang personalidad na hindi nito kasangga, katulad ng pagpilipit sa mga detalye ng balita at ginagawang ‘itim” kahit puti ang kulay ng isyu.

Labis pang ikina­dismaya ng maramin­g empleyado ng gian­t television station kung bakit binigyan ng panibagong slot o p­rograma si Newsreader gayong mas epek­tibo ang ilang ­anchor na hindi hamak na mas matata­lino at walang bias magkomentaryo, mapa-radyo o television.

Pintahan niyo na: Si Newsreader ay tumanda sa industriya subalit hindi pa rin mabigkas ng tama ang dalawang letra ng news program nito. Kung Kapuso o Kapamilya, itanong sa mga katutubo sa MIMAROPA.