Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-8 na labas

Habang takot na takot at hindi magkandaugaga si Ligaya sa pagsampa sa gate makalabas lang ay humahagalpak naman sa pagtawa si Jonas at ang nag-iisa at matagal na nilang kasambahay na si Manang Eva. Edad 55. Ito ang kasabwat niya sa pananakot sa dalaga.

“I think napaniwala natin siya na kusang bumukas ang pinto, hindi niya alam na nasa likod ka Manang Eva!” ang natatawa pang sabi ni Jonas.

“Oo nga at saka ang galing mong umarte, pwede kang artista sa mga horror movie!”

Tumayo si Jonas at sinilip sa bintana kung nakatalon na ang babae.

“E sino ba ‘yung babaeng ‘yon?”

“I don’t know, nakita ko lang siya one time na nagunguha ng aratiles sa mga puno dito, actually ang galing nga niyang maglambitin sa mga puno eh, para siyang monkey, kaya naman naisipan ko siyang takutin sa bintana, and then lumipat ako sa main door.”

“Pero bakit kaya bumalik pa ‘yon, hindi pa ba siya natakot nu’ng una?” nagtatakang tanong ng matanda.

“Maybe she’s the kind of girl na hindi agad sumusuko…kaya I’m sure hindi pa ito ang huling beses na makikita natin siya.”

“Sa tingin mo babalik pa siya?”

“Oo, at paghahandaan natin ‘yon!”

Naputol ang usapan nila nang bumaba si Ben mula sa mataas at paikot na hagdanan.

“Jonas, bakit hindi mo pa rin inaasikaso ang gate?”

“Uncle paano ko naman maipapagawa ang gate kung pinagbabawalan mo akong lumabas o tumawag man lang sa phone? Paano ako makakatawag ng gagawa?”

“Oo nga pala, di bale, si Manang Eva na lang ang uutusan kong maghanap ng gagawa… I’m sorry Jonas kailangan nating gawin ‘to para hindi nila tayo ma-trace.”

“It’s okay uncle, pero sana nga pansamantala lang ang ganitong klaseng pamumuhay natin kasi hindi ko kaya kung magtatagal pa’to.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Jonas ang tiyuhin at humakbang papanhik sa itaas.

Related Posts

Huminto si Jonas at lumingon.

“Uncle Ben, unahin na lang natin ipagawa ang kusina at banyo, hindi ko kasi gusto.”

Sinabi iyon ni Jonas dahil ayaw pa niyang mabago ang gate. Baka kasi hindi na makadaan ro’n ang babaeng binabalak niyang paglaruan.

“Bff maniwala ka sa’kin may multo nga sa bahay na ‘yon!” kunot-noong kuwento ni Ligaya kay Lupe habang umiinom sila ng softdrinks sa bahay ng huli.

“Bff naman, ang laki na nga ng problema ko ‘wag mo nang dagdagan.”

“Hindi ko naman binibigay sa’yo ang problema ko sinasabi ko lang!”

“Buti pa mag-concentrate ka na lang sa pag-aaral mo.”

“E bakit ikaw, panay isip mo rin sa problema mo!”

Kakamot-kamot sa ulong tumayo si Lupe.

“O sige na nga, payag na’ko, alam ko naman kung bakit paulit-ulit mong kinukuwento sa’kin ‘yan eh!”

Napatayo rin si Ligaya.

“Talaga bestfriend pumapayag ka na?”

“Oo na, sige na, operation manman!”

“Yes! Thank you bff!” sabay yakap ni Ligaya sa likuran ni Lupe.

Hindi lang si Lupe ang kinontrata ni Ligaya kundi maging si Rick.

“Alam mo bff, dalaga ka na, pang-high school lang ‘yang trip mo eh!” kunwa’y inis na sabi ni Rick habang naglalaro sila ng chess ni Ligaya sa tapat ng bahay ng huli.

“Wa ko pakels kahit pang-elementary pa ‘yung trip ko, basta ba sasamahan mo ako eh!” (Itutuloy)