Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-7 na labas

“Hindi ako dapat matakot… hindi na’ko matatakot tulad nu’ng una… never again!” matapos ang matapang na pagkasabi niyon sa sarili ay nagsimula nang akyatin ni Ligaya na parang gagamba lang ang gate ng malaking bahay suot ang paborito niyang maong na shorts at maluwang na blouse.

“Ang tagal naman kasi ni Lupe na pag-isipan kung sasamahan ako o hindi, pero ‘di bale keri ko na’to…” kausap pa ng dalaga sa sarili.

Abante Hiring – IT dep

Nang makatalon na sa bakod ay nagkubli muna sa likod ng puno ang dala­ga. Nagmasid sa paligid. Iginala ang paningin sa kabuuan ng bakuran hanggang sa huminto ang mga mata niya sa bintana na una niyang kinatakutan.

“Hmp! Matapang ako! Matapang ako!” kumbinsi niya sa sarili.

Nagsimula siyang humakbang palapit sa main door ng bahay. Nang nasa harapan na siya ay muli niyang kinausap ang sarili.

“Kapag napatunayan kong wala talagang multo dito, wala nang makakahadlang sa pangunguha ko ng mga aratiles at hindi na rin magiging palaisipan sa akin ang misteryo dito! Kaya go girl, keri lang ‘yan!”

Hinawakan ni Ligaya ang seradura ng pintuan at sinubukang pihitin iyon.

“N-nakasara? Naka-lock?”

Related Posts

Bugnot na tinalikuran ni Ligaya ang malaking pintuan.

“Kainis…” nagbalik sa isip niya ang nakita niyang lalaking naka-jacket ng itim na may hood na nakatayo sa kinatatayuan niya.

“Hindi rin kaya siya nakapasok kaya tumayo na lang din siya dito tulad ko?”

Nang biglang luma­ngitngit ang pintuan. Kinabahan si Ligaya. Unti-unti siyang lumingon.

Sa paglingon niya ay nanlaki ang mga mata niya nang bumulaga sa kanya ang lalaking unang nakita niyang nakatayo sa harapan ng main door. Sa pagkakataong iyon ay nakaupo ito sa sofa at nakayuko.

Gusto niyang sumi­gaw, pero walang tinig na lumabas sa bibig, gusto niyang tumakbo pero tila napagkit ang mga paa niya sa kinatatayuan. Pakiramdam niya ay huminto ang pagpintig ng puso niya, huminto pati pagdaloy ng dugo.

Ang lalaking nakaitim na jacket ay nanatiling nakayuko at hindi tumitinag.

Matapos ang ilang segundong pagkatulala sa wakas ay naulian rin si Ligaya.

“EEEEEEEEEE!” ang ubod lakas na sigaw na iyon ang naging hudyat para kumaripas siya ng takbo palapit sa gate. (Itutuloy)