Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 604

Ika-45 na labas

“Dahil hindi naman talaga ako aalis, I’m just waiting here… for someone!”

“Someone?”

Bago pa makasagot si Jonas ay nakalapit na ang isang babae. Yumakap ito at humalik sa labi mismo ni Jonas. Napahugot ng malalim na paghinga si Ligaya sa nakita. Para siyang binuhusan ng kumukulong mantika at pagkatapos ay saka binuhusan ng sangkaterbang tube ice.

Hindi niya napigilan ang sarili. Isang ubod lakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ni Jonas at saka tila pinast forward sa bilis na lumayo sa dalawa.

“LIGAYA!” habol ni Jonas pero bigla na itong naglaho sa paningin niya.

Mega cry si Ligaya sa harap ng puntod ng kakambal.

“Grabe sis, ang tanga-tanga ko, akala ko perfect na ‘yung moment, na nagawa ko na, na magiging okay na ang lahat, pero hindi pala, nakakainis ‘di ba? Tapos hinayaan lang niya kong gawin ‘yon, siguro pinagtatawanan na niya ko ngayon… at yung babaeng ‘yon grabe siya, payakap-yakap at halik pa siya! Maholdap sana siya sa taxi o kaya mabangga sana ‘yung sasakyan niya o kaya putaktehin sana siya ng sandamakmak na mga langgam!”

Saglit na katahimikan.

“Sis, sumagot ka naman, sabihin mo naman sa’kin na kaya ko ‘to…”

“Kaya mo ‘yan,” sagot ng isang tinig mula sa likuran ng kabilang nitso.

Tumayo si Ligaya at sinilip iyon.

“Manong bakit ka ba sabat ng sabat?” tanong ni Ligaya sa sepulturerong kasalukuyang nagtatabas ng mga damo. Nakangiti itong tumingin sa kanya.

“E kesa naman ang kapatid mo mismo ang sumagot sa’yo, baka mamaya niyan kumaripas ka ng takbo!”

“Heh! Ikaw talaga manong, keep quiet okay? Magtabas ka lang diyan!”

Hindi inaasahan ni Ligaya ang magiging bisita niya ng araw na iyon. Umiinom siya ng kape nang mamataan niya ang babae habang papalapit ito sa bahay nila.

“Tama, siya ‘yung babae, ‘yung babae ni Jonas sa airport!”

Kumatok ito.

“Tao po!” ang slang na pagbigkas nito.

Inilapag ni Ligaya ang tasa ng kape sa mesa at lumabas hawak ang luma niyang tirador.

“Hoy ikaw, bakit ka nandito ha, umalis ka na kung ayaw mong tiradurin kita!”

“Wait, I’m not here to fight, I’m just here to say something so please kalma ka lang!”

“Something like what, na layuan ko na si Jonas, na ikaw ang dyowa niyang pakakasalan niya, na ikaw ang totoong mahal niya? Naku luma na ‘yan, ilang beses ko nang napanood sa mga pelikula at teleserye ‘yan, kaya ‘wag na ‘wag mong gawin sa’kin dahil hindi kita uurungan!”

Okay fine, but you’re wrong!”

“Anong wrong? Anong pinagsasasabi mo?”

“Let me introduce myself first okay? I’m Lovely, I’m his ex girlfriend!”

“Kita mo na, sabi ko na nga ba girlfriend ka eh!”

“Yeah, but I said ex, it means dati!”

“Ako nga ‘wag mong pinaglololoko, kung ex para saan ‘yung yakap at halik na ‘yon?”

“For me, it’s just a sign of greetings, affection para sa isang tao na hindi mo nakita for so many years!”

“E bakit ka niya sinundo sa airport?”

“Dahil po, may ipinadala sa kanya ang uncle niya, ipinasama sa bagahe ko.”

“Ganern?”

“Yeah, ganern!”

“E ano namang ginagawa mo dito?”

“Obvious ba na nag-e-explain ako sa’yo? Nakiusap siya sa’kin that’s why I’m here.”

“Okay sige, pasok ka, gusto mo ng kape?” bawi ni Ligaya.

Hindi pinayagan ni Rick na mag-resign sa trabaho si Ligaya. Ang solusyon niya para hindi sila palaging magkita ay sa Manila branch na lang siya magpo-focus habang si Ligaya ay nasa Laguna branch. Isinaalang-alang pa rin ng binata ang pinagsamahan nila ng dalaga bilang magkaibigan at bilang magnobyo. Tinanggap na lang niya na hindi sila para sa isa’t isa.

Isang sorpresa naman ang inihanda ni Jonas para sa dalaga.

“Pakiulit? Inaaya mo na naman ako sa malaking bahay na ‘yon?” kausap lang ni Ligaya sa phone si Jonas. (Itutuloy)