Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-38 na labas

“Pakiusap ba ‘yan o utos?”

“Puwedeng pakiusap puwede rin namang utos.”

“Paano kung hindi ko sundin?”

“Gano’n ba?…” pagkasabi niyon ay isang ma­lakas na suntok ang pinakawalan ni Rick na tumama sa mukha ni Jonas.

“RICK!” sigaw ni Ligaya nang makita ang nangyari.

Nagpalitan ng suntok ang dalawang lalaki. Mabilis silang nalapitan ng dalaga at tinangkang awatin pero sadyang mainit ang dalawa kaya maging si Mang Romulo ay nakiawat na rin.

“Ano ba tama na!” muling sigaw ni Ligaya.

Natahimik lang ang dalawa nang makisuntok na rin sa kanila ang dalaga.

“Ito ba ang gusto niyo ha, sige maglabu-labo na tayo dito!”

Saglit na namagitan ang katahimikan. Matatalim ang naging palitan ng tingin nina Rick at Jonas. Hindi nakatagal si Rick, nag-walkout ito.

“RICK!” habol ni Ligaya.

Naiwan naman si Jonas na nanlumo sa nangyari. Humarap siya sa mga magulang ng dalaga.

“Aling Amor, Mang Romulo, sorry po sa nangyari, I have to go.”

Pagkasabi niyon ay umalis na ang binata.

Bago bumalik sa Manila ay sinadya ni Ligaya si Lupe sa bahay nito.

“O ano, kailangan mo ulit ng shoulder to cry on?” tanong ni Lupe habang inilalapag ang juice sa center table ng sala.

“Wala naman akong dapat iiyak e, ang haba nga ng hair ko kasi feeling ko pinag-aagawan nila’ko!”

Related Posts

“So anong confession mo?”

“BFF, alam mo naman na minahal ko rin talaga si Rick ‘di ba, isang bestfriend na naging malapit sa puso ko bilang boyfie ko…kaya lang ba’t gano’n, parang feeling ko hindi na ako masaya?”

Tinabihan ni Lupe si Ligaya sa upuan.

“#minahal! Past tense! Simple lang naman dear eh, kasi nagbalik na sa buhay mo ‘yung tao na mas mahal mo kaysa sa kanya, #minamahal mo pa rin as in present tense at mamahalin in future!”

“Ganern?…Kung gano’n lang kasimple bakit parang hirap na hirap ako?”

“Kasi nga malapit sa puso mo si Rick at natatakot ka na masaktan siya, dahil hindi lang ang relasyon niyo bilang mag-on ang masisira kundi pati na rin ‘yung friendship na naging foundation niyo for so many years.”

“Alam mo BFF, ang galing mo na, ang galing mo na mag-explain, samantalang dati wala kang alam kundi umiyak dahil sa lovelife mo, ngayon ako naman!”

“O akala ko ba walang dapat iiyak? Saka sabi nga nila, take charge to experience, ‘yon ang nangyari sa’kin before kaya natuto na’ko.”

Kinabukasan. Iniimpake na ni Ligaya ang mga damit pabalik sa Manila nang lapitan siya ng ina.

“Anak, kumusta naman ang puso mo?”

“Eto keri naman po, kahit masakit.”

“Nasasaktan ka ba para kay Rick o para kay Jonas?”

Saglit na nag-isip si Ligaya bago sumagot.

“P-pareho po ‘nay…”

“Anak, kailangan mong magdesisyon agad, kung si Rick ang pipiliin mo, tapatin mo na agad si Jonas at hayaan mo na lang na maging parte siya ng nakaraan mo…kung si Jonas naman ang bet mo, aba’y karapatan ni Rick na malaman agad ito dahil kung patatagalin mo pa, baka mas lalo lang silang masaktan at gano’n ka rin.”

“Tama po kayo ‘nay…sige po gagawin ko…”

“E matanong ko lang, sino ba talaga ang mas matimbang sa kanila?”

“Hindi ko pa rin po alam ‘nay eh, hayaan niyo po mamaya hihiramin ko ang timbangan ni Aling Iska!”

“Umph! Seryoso ako!” sabay kurot ni Aling Amor sa tagiliran ng dalaga. (Itutuloy)