Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-37 na labas

“At higit sa lahat, binalewala mo ang nangyari sa atin sa sofang iyon! Tapos ngayon bigla ka na lang susulpot sa harapan ko at sasabihing mahal mo ako?”

“Ligaya, wala pa akong sinasabing mahal kita.”

“Wala pa ba?” sabay ayos ng dalaga ng buhok niya at inipit ito sa teynga.

“Bigyan mo naman ako ng moment…sasabihin ko pa lang…na mahal kita…”

“Inaasahan mo bang sasagot ako ng oo mahal rin kita?”

Umiling si Jonas.

“Hindi ko naman alam na may feelings ka na sa’kin before, sana pinigilan mo akong umalis…sana noon pa lang nalaman ko na para hindi ka na naghanap at naghintay…at ‘yung nangyari sa atin sa sofang iyon, iyon ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko!”

“Ganern? …bakit kung nalaman mo noon, pareho ba tayo ng nararamdaman? Hindi ‘di ba, kasi kung may feelings ka na sa akin noon pa, e ‘di sana hindi ka umalis, o kaya pinahagingan mo man lang ako na babalikan mo ako, para hindi ako napagod sa paghihintay at hindi ako nagmahal ng iba…”

“Hindi ko rin naman ginustong umalis noon, kinailangan ko lang talagang gawin para maayos ko ang buhay ko…kung hindi ko kasi aayusin ang buhay ko, wala akong maipagmamalaki sa’yo…”

Hindi kumibo ang dalaga. Kinuha ng binata ang kamay niya.

“Hindi pa naman kayo kasal, siguraduhin mo muna sa sarili mo na mas magiging masaya ka sa kanya kaysa sa’kin…at igagalang ko ang desisyon mo.” Pagkasabi niyon ay masuyong hinagkan ni Jonas sa noo ang dalaga at saka ito tumalikod at lumakad palayo.

“JONAS!”

Lumingon ang binata.

“Hindi mo pa ako binabati!”

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Jonas bago sinabing…

“Happy birthday Ligaya!” sabay flying kiss nito sa kanya.

Tinanggap ni Ligaya ang pinalipad nitong halik at dinala sa dibdib niya nang nakatalikod na ang binata.

Pag-uwi ni Ligaya sa bahay nila ay sinalubong siya ng mga magulang ng banner na may HAPPY BIRTHDAY! May bitbit ding cake ang nanay niya habang lobo naman ang hawak ng tatay niya.

“Happy birthday anak!” sabay na bati ng mga magulang.

Nandoon din sina Rick, Lupe, ang mga kabingguhan nila dati at si Jonas.

Related Posts

“Wow, thank you naman sa effort niyo!” akala talaga ng dalaga ay umalis na si Jonas.

“Actually hindi namin, effort ito ni Jonas! Ang balak talaga namin ay kumain na lang tayo sa labas ng sama-sama, e kaso nga dumating dito ang binatang ‘yan kanina dala na ang mga ‘to, sayang naman kung idededma na lang natin ang mga ‘to ‘di ba? May menudo at litson din siyang pina-deliver,” si Aling Amor.

“Oo nga naman, tama ang nanay mo, mabuti pa doon na tayo sa loob para makapagsalu-salo na!” segunda ni Mang Romulo.

Isa-isa nang nagpasukan sa loob. Maliban kay Rick. Sinadya nitong magpaiwan.

“Rick?” nilapitan ni Ligaya ang nobyo.

“Ano bang gusto mangyari ni Jonas, tinatangka ba niyang agawin ka sa’kin?”

“Of course not, tinangka niya akong ligawan oo, pero alam na niya na ikaw ang BF ko kaya hindi na niya siguro gagawin ‘yon!”

“Siguro? Ligaya, hindi ako mapapanatag kung palaging aali-aligid sa’yo ang lalaking ‘yon.”

“So anong gusto mong mangyari, ipagtabuyan ko siya?”

“Ang gusto ko iwasan mo siya, ito na ang huling araw na makakasama mo siya, puwede ba Ligaya?”

Marahang tumango ang dalaga. Pero deep inside ay tumututol ang puso niya.

Ilang saglit pa bago sila nagpasyang pumasok na rin sa loob. Habang nagmamaktol ang puso ni Rick ay masaya namang nakikipag-bonding si Jonas sa mga magulang at bisita ni Ligaya.

“At alam niyo ba dalawang beses nahulog ‘yang si Ligaya sa puno ng alatires kakamanman sa’kin!”

Ang sinabing iyon ng binata ay sinundan ng tawanan.

“Ano naman ang ginawa mo?” tanong ni Sol.

“Sa inis ko gusto ko sana siyang halikan no’n eh, kaya lang baka ibato niya sa akin lahat ng ala­tires do’n kaya tinakot ko na lang siya, naglagay ako ng itim na tinta sa mga mata ko at ketchup sa labi ko!”

Nagkatinginan ang mga magulang ni Ligaya pero natawa rin sila.

Paalis na si Jonas nang tawagin siya ni Rick.

“Jonas, puwede ka bang makausap?”

“Anong pag-uusapan natin?”

“Puwede bang tigilan mo na ang girlfriend ko?” (Itutuloy)