Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-36 na labas

“Paano mo nga pala nalaman ang address ko?” tanong ni Ligaya habang pumapasok sila sa loob ng hindi naman kalakihan na apartment.

“Sa kasamahan mo sa trabaho, kay Chef Marie.”

“Talaga? Magkakilala ba kayo?”

“Nalaman ko lang sa friend ko na pinsan pala niya si Chef Marie.”

“Ah, okay.”

Pagkapasok sa loob, bago naupo ay iniabot muna ni Jonas ang box ng cake sa dalaga.

“Para sa’yo, hope you like it.”

“Thanks, sige maupo ka muna, ikukuha lang kita ng maiinom.”

“Hindi na, hindi na rin naman ako magtatagal, baka ma-late ka sa pupuntahan mong party.”

“Party?” natawa si Ligaya.

“Whatever, sige mauna na’ko…”

Nagsimulang lumakad palabas muli ng apartment si Jonas habang binubuksan naman ni Ligaya ang box ng cake. Nagulat ang dalaga sa nabasang mensahe mula sa cake. Hinabol nito ng tingin si Jonas at tinawag.

“JONAS!”

Siya namang dating ni Rick. Lumingon si Jonas kay Ligaya. Lumipat ang tingin ni Ligaya mula kay Jonas patungo kay Rick. Napatingin din si Jonas kay Rick na naglipat din ang tingin sa kanilang dalawa.

“So you’re with him tonight,” si Jonas.

Related Posts

“Y-yes…” halos mahinang sagot ng dalaga.

“Jonas, first year anniversary namin ngayon ni Ligaya, just in case you don’t know.”

Hindi agad nakaimik si Jonas.

“Okay, I’ll go ahead.” Pagkasabi niyon ay iniwan na ni Jonas ang dalawa.

Hindi gusto ni Ligaya ang nararamdaman, paki­ramdam niya ay bine-betray siya ng puso niya. Habang naghihintay sa kanya si Rick at habang inihahatid niya ng tanaw si Jonas papalayo ay kakaibang kalungkutan ang naramdaman niya. Hindi niya maintindihan. Hindi niya maipaliwanag.

Nilapitan siya ni Rick at tiningnan nito ang cake na hawak niya. Hindi man umimik ay alam niyang nasaktan na ito.

Birthday ni Ligaya kaya umuwi siya sa probinsya para batiin din ang kakambal niyang si Lualhati. Nagsindi siya ng kandila at nag-alay ng dasal para dito. Matapos ang dasal ay kinausap niya ito gaya ng dati.

“Happy 23rd birthday sis!…kumusta ka naman? …Alam mo sis, okay na ang lahat e, kundi lang umeksena ulit sa buhay ko si Jonas, naka-move on na’ko ‘di ba? Pa’no na ngayon, naguguluhan na naman ako…Oo alam ko isa na naman itong trouble sa buhay ko na kailangan kong lusutan, pero pa’no?”

“E ‘di piliin mo kung sino talaga ‘yung nila­laman ng puso mo.”

Natigilan si Ligaya. Marahan siyang lumingon, at…

“Jonas! Ikaw na naman?”

“Marie told me that it’s your birthday today, pero umuwi ka raw dito, kaya sinundan kita para naman ma-greet kita.”

“Alam mo baliw ka talaga, Jonas alam mo namang…”

“Ssshhh I know, pero alam ko rin na nandiyan ako sa puso mo, so I’ll just have to wait.”

Nilapitan ni Ligaya si Jonas.

“Tingin mo talaga gano’n kadaling maghintay? Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay sa’yo? Para akong isang alatires na nalaglag sa lupa at naapak-apakan ng mabibigat na paa ng mga tao, para akong stalker na pilit hinahanap ang Facebook account mo, sine-search ka sa Twitter, sa Instagram at maging sa YouTube! Pero ni anino mo no result! Kulang na lang magdikit ako ng mga poster ng mukha mo sa bawat kantong madaanan ko ma­tagpuan lang kita, kulang na lang itakwil ako ng mga kaibigan ko dahil hindi nila matanggap na patay na patay ako sa isang tao na maski yata mamatay ako ay hindi mag-aaksayang magsindi maski isang kandila sa puntod ko! (Itutuloy)