Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 604

Ika-35 na labas

“Sagutin mo muna, baka importante.”

“H-ha? Hindi okay lang…” pi­nindot ni Ligaya ang silent ng phone niya.

“Ligaya, sige na, take the call.”

Napilitan ang dalaga na sagutin ang tawag kahit deep inside ay nanghihinayang siya sa ginagawang confession ng binata, malakas kasi ang kutob niya na siya ang tinutukoy nito.

“Hello, Rick…”

Bahagya siyang lumayo kay Jonas. Matapos kausapin si Rick ay bumalik siya sa table nila.

“So, asan na nga tayo?” excited na tanong ng dalaga.

“Well, tulad ng sinabi ko kanina…”

Nang cellphone naman ni Jonas ang tumunog.

“Excuse me.” Tumayo rin ang binata at dumistansya sa kanya.

Sa isip ng dalaga… “Ano ka ba naman Ligaya, bakit ka ba umaasa? Kahit totoo ang iniisip mo anong gusto mong mangyari, maging kayo? ‘Wag mong kalimutan na kapag nangyari ‘yon meron kang masasaktan at hinding-hindi mo gugustuhin na masaktan siya…”

Nilingon ni Ligaya si Jonas na may kausap pa rin sa cellphone nito.

“I’m sorry Jonas, hangga’t hindi ko pa nalalaman ang totoo, may pagkakataon pa’ko na tumakas…gagawin ko na kaysa makulong na naman ako sa sitwasyong kasama ka tulad nu’ng nasa basement tayo…” sa isip ng dalaga habang nakatingin sa binata.

Pabalik na si Jonas nang tumayo si Ligaya.

“Jonas, I have to go…”

“Ha? O-okay sige, ihahatid na kita.”

“No thanks, magta-taxi na lang ako.”

“No, ihahatid kita.”

“I said no thanks, sige mauna na’ko.”

“Pero Ligaya, mauulit naman ‘to di ba?”

Natigilan ang dalaga. Alanganin siyang tumango at saka tumalikod.

Nilapitan ni Manang si Jonas na tila malalim ang iniisip, nakapamintana sa apartment nila.

“Ano bang iniisip mo, may problema ka ba?”

“Hindi ko kasi maintindihan manang eh…bakit sa tinagal-tagal ng panahon ngayon ko pa naramdaman ‘to…parang ang hirap nang bawiin ng kahapon…”

“Ang lalim mo yatang mag-isip ngayon, hindi tulad dati na parang easy lang ang lahat sa’yo…tungkol ba ito kay Ligaya?”

“Hindi na’ko magsisinungaling sa’yo manang…I’m afraid na hindi kami pareho ng nararamdaman…”

“Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?”

“Sinubukan ko kanina, pero parang umiwas siya bigla…”

“E di subukan mo ulit, hangga’t hindi mo nalalaman ang sagot, kaya lang…anuman ‘yon dapat ready ka.”

Napabuntong-hininga si Jonas.

Sa kabila ng pagdududa ay iti­nuloy pa rin ni Jonas ang nais gawin ng puso niya. Inalam niya at pinuntahan si Ligaya sa apartment na tinitirhan nito. Dala ang isang box ng aratiles cake na pinasadya niya sa isang kakilala na nagbe-bake ng mga cake. Ginawa ring dekorasyon ang mga bunga ng aratiles sa iba­baw ng cake na nagsasabing…be my girlfriend.

Kaya ngayong gabi malalaman na niya ang sagot kung may patutunguhan ba ang damdamin niya.

Marahan siyang kumatok sa pinto. Hindi niya inaasahan na bubungad sa kanya ang napakagandang si Ligaya. Naka-dress ito ng sky blue at pustu­rang-pustura.

“Jonas!” nabigla rin ang dalaga.

“M-may lakad ka yata?”

“Meron, pero halika tuloy ka muna…” (Itutuloy)