Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 604

Ika-34 na labas

Agad siyang nilapitan ng kasama niya sa kusi­nang chef din na si chef Marie.

“Ligaya okay ka lang ba?”

“Bakit ba lahat kayo tinatanong kung okay ako? Mukha ba akong okay? Matapos kong makita ang isang taong matagal ko nang kinalimutan at matapos akong mahiwa nitong kutsilyo? Hindi lang daliri ko ang nagdurugo ngayon kundi pati puso ko!” sabay talikod ni Ligaya sa kausap.

“Ay, ang arte humugot!” inis na sabi ni Marie.

Matapos ang working hours…Kabadong lumabas ng restaurant si Ligaya. Patay-malisyang hinanap ng mata si Jonas. Pero mukhang mabibigo pa yata siyang makita ito…kunwa’y nag-aabang siya ng taxi pero kahit maraming taxi na ang dumaan ay hindi siya pumara, nanatili siyang nakatayo sa waiting shed. Deep inside ay umaasang na-late lang si Jonas at makakarating pa rin ito.

“Teka, hindi ko yata nasabi sa kanya ang oras ng uwi ko…naku naman…”

Isang motor ang huminto sa tapat niya at nagtanggal ng helmet.

“J-Jonas?…” sa muling pagkakataon ay tila huminto ang pagtibok ng puso niya.

“Angkas na!” nakangiting sabi ng binata.

“What? Bigla kang darating at bigla mo na lang ako paaangkasin diyan?”

“Promise hindi ka magsisisi sa pupuntahan natin!”

“Talaga?”

Kahit nagdadalawang-isip ay sumama pa rin si Ligaya. Habang nakaangkas sa single na motor, pakiramdam ng dalaga ay hindi sila nagkalayo. Parang kahapon lang ang lahat. Ang maikling panahon na pinagsamahan nila ay awtomatikong nanariwa sa isipan ng dalaga.

Napahanga siya nang dalhin siya ni Jonas sa isang lugar na puno ng mga puno ng aratiles.

“Wow, anong lugar ‘to?”

“Sementeryo.”

“ANO? DINALA MO AKO SA SEMEN­TERYO?”

“It doesn’t matter naman eh, saka bungad lang ‘to, andun pa sa banda ron ang mga nitso, gusto ko lang makita mo ang napakaraming bunga ng mga aratiles dito na paborito mo.”

Nakasimangot pero kahit pa’no ay pumayapa na si Ligaya. Naupo siya sa nakatumbang puno ng mangga. Nag-iisip ng masasabi.

“Alam mo ba kung anong English ng aratiles?”

“Hindi…”

“Kerson fruit. At alam mo rin ba na napakarami niyang benefits? Nakakapagpababa siya ng blood sugar, nakakapag-prevent ng cancer, etcetera, etcetera! ‘Yung iba ang tawag e aratiles, aratiles, at mansanitas, sa Spanish naman it’s called Bolania, Memizo at yamanza!”

“Tapos ka na ba?”

“H-ha? Bakit hindi mo ba gusto ang topic?”

“Dinala kita dito para ipakita lang sa’yo ang mga punong ‘to, pero mas gusto kong pag-usapan ang mga nangyari sa’yo simula nang hindi na tayo magkita.”

“Actually wala namang masyadong ganap…maliban sa nakatapos ako ng culinary at nagtatrabaho ngayon sa restaurant na pag-aari ni Rick, pero pansamantala lang ako dito sa Manila, kasi magtatayo si Rick ng branch sa lugar namin at doon na ako magtatrabaho. E ikaw naman?”

“Marami akong naging trabaho nang bumalik kami sa Manila, nag-focus ako dahil pinilit kong matapos ang engineering…kaya ngayon nagpapasalamat ako kasi natupad ko na ang pangarap ko na makatapos, actually kaka-graduate ko lang kahapon.”

“Gano’n ba, congrats!”

“Tara, may alam akong malapit na resto dito, kumain tayo.”

Hindi tumanggi ang dalaga. Para siyang nahihipnotismong handang sundin lahat ng sabihin ni Jonas. Sa isang table for two sa loob ng restaurant na ‘yon naghari ang katahimikan sa pagitan nila.

Si Jonas ang bumasag niyon.

“You know what, bago kita makita sa restaurant, plano ko talagang bumalik sa Laguna eh…”

“Talaga?… Bakit naman?”

“Meron kasi akong tao na gustong balikan…isang tao na nagpangiti sa’kin at nagparamdam na hindi ako nag-iisa kahit hindi naman kami naging official na magkaibigan, kahit na marami siyang pagdududa at pagkainis sa’kin dati, sana hindi na ngayon…akala ko nalimutan ko na siya eh…hindi pa pala…lalo na nang makita ko siya ulit…nasiguro ko sa sarili ko na hindi ko lang siya na-miss, kundi…”

Nang biglang tumunog ang cellphone ni Ligaya. Pero mukhang wala itong balak sagutin. Kaya lang na-destruct na si Jonas sa maingay na tunog nito kaya… (Itutuloy)