Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-32 na labas

Musikang nililikha ng mga pusong kapwa sabik mula sa ikinukubling pag-ibig. Ang mga sandaling iyon ay mga sandaling hindi nila kailanman malilimutan.

Matapos ang maiinit na sandali ay tumayo si Jonas at naupo sa tabi ng dalagang nanatiling nakahiga sa sofa. Iniabot ng binata ang damit dito.

“Magbihis ka na…”

Hindi mapanatag si Jonas dahil sa nangyari. Lalo na si Ligaya.

“Ligaya, sorry…virgin ka pa pala…”

“Bakit, mukha na ba’kong hindi virgin kaya ginawa mo ‘to?”

“Of course not, nabigla lang ako…nadala lang ako…”

“N-nagsisisi ka ba?”

Umiling si Jonas. Muling humarap sa dalaga na nakabihis na.

“Hindi ako nagsisisi, ang totoo nahihiya ako sa’yo…”

“Mas lalo ako, kaya lang tapos na, nakaraos na, wala na tayong magagawa, move on na lang.”

Sa isip ni Jonas, may mga naging karanasan na siya sa mga babae sa Manila, pero ngayon lang siya nakatagpo ng virgin. Kaya naman kakaibang kasiyahan ang naramdaman niya. Isang damdaming hindi niya maipaliwanag.

Kinabukasan. Dinalaw ni Ligaya ang kakambal sa puntod nito.

“Hi sis, musta ka naman? Alam mo ang dami kong gustong ikuwento sa’yo…ang tungkol kay man in hood…ang pagsasama namin ng ilang araw sa basement ng malaking bahay…ang pagkakaibigan namin ngayon na maaga yatang matutuldukan… sis, worried ako, kasi baka mahal ko na siya…baka malungkot ako ng sobra kapag umalis na siya…anong gagawin ko? Pipigilan ko ba siya at sasabihin kong…Jonas, ‘wag kang umalis, mahal kita…or sasabihin ko na lang na, sige ingat ka na lang do’n…help me sis, ano bang kailangan kong gawin, ang hirap namang maging deadma na lang ‘di ba, lalo na kung…kung nangyari ang hindi dapat mangyari…I’m sorry sis, naisuko ko ang bandera nang hindi man lang akong nagtangkang lumaban…”

Matapos ang pakikipag-usap sa kakambal ay dumaan si Ligaya sa malaking bahay. Nagulat siya nang makitang nakakadena na ang gate nito at may nakakaratulang FOR RENT.

“U-umalis na siya?”

Inakyat ni Ligaya ang gate at kinatok ang main door.

Related Posts

“JONAS! JONAS!” tawag niya. Pero walang sagot. Nanlulumong napaupo si Ligaya sa harapan ng bahay.

“Ang daya mo Jonas…dinaya mo’ko…ang daya-daya mo…”

Mula nang umalis si Jonas ay naging tahimik na si Ligaya. Kahit pa kasama niya ang mga BFF niya.

“BFF, gusto mo mag-bingo na lang tayo!” aya ni Rick. Kausap niya ang dalaga sa upuan sa harapan ng bahay nito.

“Wala ako sa mood…”

“Alam ko na, chess!”

“Rick, ang sabi ko wala ako sa mood…”

“Okay, e ‘di kumain na lang tayo ng fishball sa kanto baka sakaling mabalik ang mood mo.”

“Bumalik ka na lang sa ibang araw…”

“Ganito na lang, mabuti pa mag-mall na lang tayo o kaya magluto tayo ng bagong recipe mo!”

“Mas mabuti kung iwan mo na lang muna ako Rick, pakiusap?”

“Ano ba kasing nangyayari sa’yo bestfriend?”

“Wala… tulad ng alatires, feeling ko pinitas ako tapos hinayaang mahulog sa lupa, naapakan hanggang sa madurog…” malungkot na sabi ng dalaga.

“Humugot talaga?”

Pag-alis ni Rick ay pumalit naman si Lupe.

“BFF, mabuti at nakita kita, kailangan ko kasi ng shoulder to cry on eh!”

“Shoulder to cry on na naman? Puwede bang kahit ngayon lang ikaw naman ang shoulder ako naman ang magka-cry?”

“H-ha? may problema ka rin ba?”

“Ano akala mo sa’kin, bato? Kahit ang bato nawawasak din, nauupod pag matagal na nababad sa tubig, pero ako sandali pa lang nababad sa kalungkutan wasak na wasak na?” (Itutuloy)