Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-26 na labas

“E asan ba talaga ‘yung pera na ‘yon?”

“Sa pagkakarinig ko, nandoon sa Walter…”

“E bakit hindi na lang ‘yun ang habulin nila?”

“Dahil hindi sila naniniwala kay uncle at baka nakalabas na ng bansa ‘yong walter na ‘yon… alam kasi nila kapag nalagay ako sa alanganin mapipilitan si uncle na ibigay ang gusto nila…”

Nasapo ni Ligaya ang noo niya. Nag-iisip kung paano malulusutan ang sitwasyong iyon.

“O ano Ligaya, na-realize mo na ba na hindi ka dapat nanghihimasok sa ibang tao, anong napala mo ngayon, pati tuloy ikaw nagtatago rito kasama ko…”

“Oo na, mali na ako kung mali, sana kasi pinayagan mo akong makauwi sa’min para hindi na nila ako inabutan ditto…”

“Kung pinayagan kitang umuwi baka hindi lang ikaw ang madamay kundi pati pamilya mo.”

Muling natahimik si Ligaya.

Tanghali na nang hindi na makatiis ang dalaga. Naghalungkat siya sa bawat sulok ng basement, umaasang may maliligaw na pagkain doon.

“Ano ba ‘yan, puro lumang gamit at alikabok lang ba tagala ang nandito?”

“Malamang. Buti na lang nga natuklasan ko ‘to nu’ng minsang ikutin ko ang buong bahay, kung hindi baka napahamak na rin tayo…”

“Alam mo tulungan mo kaya akong magkalkal dito kaysa para kang prinsipeng nakaupo lang diyan!”

“Gutom ka na nga papagurin mo pa ang sarili mo, buti pa lalabas ako…”

“Ano?”

“Kung gagapang ulit ako papunta sa kusina baka hindi nila ko mapansin, tutal naman may kurtinang nakaharang mula sa salas eh…”

Related Posts

Nag-aalala man pero wala na ring maisip na paraan si Ligaya maliban sa suggestion ni Jonas.

“Teka, bakit ‘di na lang ako ang lumabas, mas maingat ako sa’yo, siguradong hindi nila ako mamamalayan!”

“No thanks Ligaya pero alam mo namang delikado ‘di ba?”

“Bakit sa’yo ba hindi delikado?”

“Pero mas delikado para sa’yo.”

“E ‘di wow, thanks sa concern…” deep inside ay napangiti ang puso ng dalaga sa concern ng binata.

Nagplano silang dalawa. Dinala ni Jonas ang nakuha nilang dos pordos sa basement. Inihanda naman ni Ligaya ang tirador niyang nasa bulsa pa rin niya.

“Jonas sigurado ka ba sa gagawin mo?” tanong ni Ligaya habang paakyat sila sa hagdanang ng basement.

“Syempre hindi pero wala naman tayong choice, kung hindi kita mapapakain hanggang mamayang gabi baka umatungal ka na riyan.”

“Ako talaga? gutom ka na rin naman ‘di ba?” inis na sabi ng dalaga.

Sumilip muna si Jonas sa maliit na awang ng pintuan. Wala pa rin siyang makita at wala na rin siyang boses na narinig. Nakiramdam pa siya bago nagpasyang humakbang ng paupo. Kinakabahan man ay pilit nilalakasan ni Jonas ang loob.

“Jonas!” sigaw na bulong ni Ligaya.

“Ano?” kunot-noong lingon ng binata.

“Mag-ingat ka…” pabulong din iyon.

Sumenyas ng okay si Jonas. Deep inside ay ikinatuwa niya ang concern ng dalaga.

Sa wakas ay nakalapit na rin si Jonas sa mesa. May narinig siyang boses kaya nagtago siya sa ilalim ng mesa.

“Ben, nasaan ba talaga ang pamangkin mo? Pinatakas mo ba siya? Sabihin mo na kasi sa amin kung nasaan ang pera para matapos na’to!”

“Hindi ko alam kung nasaan si Jonas at hindi ko rin alam kung nasaan ang pera, malamang naitakas na ni Walter…” (Itutuloy)