Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-25 na labas

Inis namang tiningnan ng binata ang dalagang nakapikit na.

“Tinulugan talaga niya ko… tsk,tsk…”

Abante Hiring – IT dep

Maya-maya pa ay nagsimulang humilik ang dalaga. Tinakpan ni Jonas ng mga kamay ang tey­nga niya pero naririnig pa rin niya ang nakakaasar na paghilik nito. Hanggang sa hindi na makatiis ang binata. Tinapik niya si Ligaya para magising ito. Tila naalimpungatan naman ang dalaga.

“Ano nasa’n na tayo ha?”

“Nandito pa rin tayo.”

“Ano? Sira talaga ang ulo mo, alam mo bang nakauwi na’ko sa’min ginising-gising mo pa’ko ha!”

“E pa’no naman kita hindi gigisingin, tumutulo na nga ang laway mo, ang lakas pa ng hilik mo!”

Tila nakaramdam naman ng hiya si Ligaya sa sinabi ng binata. Pinahid nito ang bibig.

“Puwede ba ako naman ang matutulog, ikaw naman ang magbantay dito, baka bigla nila tayong mapasok dito,” Sabi ni Jonas.

“Naka-lock naman ‘yan kaya sige na, sleep ka na at sleep na rin ako, okay?”

Nailing na inunahan ni Jonas ang dalaga sa paghiga sa sofa.

“Hoy ano ba puwesto ko ‘yan!”

“Maghanap ka ng ibang puwesto mo!”

“A gano’n!” sabay tulak ni Ligaya sa binata kaya nahulog ito mula sa sofa. Pero agad ding bumalik. Muli itong itinulak ng dalaga.

agtulakan sila nang nagtulakan hanggang sa pareho silang mahulog sa sahig at napaibabaw si Ligaya.

Natigilan ang dalaga sa pagkakalapit ng mukha nila. Napatitig. Hindi lang basta titig kundi titig na titig.

Related Posts

Umalon naman ang kaba sa dibdib ni Jonas. Para siyang na-stroke. Hindi siya makagalaw, hindi niya alam kung sa pagkabigla o sa pagkanerbiyos.

Para namang nananadya na inilalapit pa ni Ligaya ang mukha niya. Inilalapit hanggang sa leeg ng lalaki.

“T-teka, anong gagawin mo ha, kung may masama kang tangka ‘wag mo nang ituloy…”

Suminghot-singhot ang dalaga. Napapikit siya nang makumpirma ang isang bagay.

“Tama, pabangong pambabae! Bading ka ba? bading ka no? aminin mo!”

Bahagyang itinulak ni Jonas ang dalaga palayo sa kanya.

“Makatulak naman ‘to!” anas ni Ligaya.

“Ano ba kasing pinagsasasabi mo!”

“Alam mo ‘wag kang magkaila kasi ‘yan na ‘yan ‘yung amoy ng dating pabango ko bago ako magpalit!”

Tumayo si Jonas at pinagpagan ang suot na T-shirt.

“Oo na, pambabaeng pabango na, kasi nga malayo ang mall dito, naubusan ako ng pabango kaya ginamit ko ‘yung kay manang!”

Ang impit na pagtawa ni Ligaya ay lumakas nang lumakas hanggang sa maging halakhak. Tinakpan ni Jonas ang bibig niya.

“Sige lakasan mo pa para marinig nila tayo dito!” anang binata.

“Ummp,ummph!” pilit inalis ni Ligaya ang kamay ng binata sa bibig niya.

Maya-maya pa ay pareho silang natahimik. Nagpalakad-lakad si Ligaya na tila ‘di mapakali habang nanatili namang nakaupo sa sofa si Jonas.

“Jonas, wala ba silang balak umalis? Hanggang kailan tayo maghihintay dito, umaga na naman, siguradong mag-aalala na sa’kin sila nanay at tatay kapag hindi nila ako nakontak…”

“Hindi ko rin alam eh, baka hinihintay nila akong dumating para mapiga nila si uncle do’n sa kinukuha nila ditong pera…” (Itutuloy)