Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-22 na labas

Nagkatinginan naman sina Jonas at Ligaya.

“Manang ano ho bang iniisip n’yo? Hinabol na naman po kami ng mga lalaking ‘yon na may baril kaya si Ligaya dito na muna magpapalipas ng gabi.” Explain ng binata.

“Ah gano’n ba, a-akala ko kasi may nangyari na sa inyo, ‘yung alam n’yo na!”

“Hay Dyusporsanto bakit ba ang matatanda ngayon makita lang na magkasama iba na agad ang iniisip!” nag-antanda rin si Ligaya. “Joke lang po manang!” bawi nito.

“O s’ya, malalim na ang gabi kaya bukas na lang tayo magkuwentuhan, Jonas umakyat ka na sa kuwarto mo, at ikaw naman Ligaya sa guest room ka, halika at ihahatid kita ro’n.”

Hindi makatulog si Ligaya. Hawak ang cellphone ay nagpalakad-lakad siya sa loob ng silid. Nag-aalala siya hangga’t hindi nagre-reply ang ina. Hindi niya gustong magsinungaling pero kailangan, sinabi na lang niya na nasa bahay siya ng isang kaibigan kaya hindi makakauwi kaysa naman mag-alala ito kung sasabihin niya ang totoong nangyari.

Maya-maya pa ay nag-reply na ang nanay niya.

“Anak, mag-ingat ka diyan, hindi na rin kita pipiliting umuwi pa dahil hatinggabi na pala.”

“Ok po ‘nay nytie po, kitakits kasbu!”

Napanatag na rin si Ligaya kahit papa’no. Pero kahit pa’no rin ay nag-aalala pa rin siya dahil ngayon lang siya makikitulog sa bahay ng isang estranghero pa sa buhay niya. Sanay siyang makitulog sa bahay ni Lupe at dati naman nu’ng maliliit pa sila ay sa bahay nila Rick. Pero sa itinuturing na haunted house ng iba, dito sa bahay na dati ay hanggang labas lang siya, ngayon lang talaga, kaya hindi niya alam kung makakatulog ba siya.

Nahiga siya sa maliit na kama. Inikot-ikot ang paningin sa kabuuan ng may kalakihang kuwarto ng guest room. Hindi pa ito masyadong linis. Kahit malamlam ang ilaw na nagmumula sa lamp shade ay kitang-kita pa rin niya ang mga agiw sa kisame at iba pang sulok ng dingding.

“Nakupo ‘di ko yata keri na matulog dito ngayong gabi…kailangan kong lumabas…”

Related Posts

Maingat ang bawat hakbang ni Ligaya palabas ng kuwarto. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa. Tinungo niya ang kusina at naghanap ng makakain doon.

“Gatas, kailangan ko ng gatas, baka makatulong para makatulog ako…” kausap ni Ligaya sa sarili.

Binuksan niya ang ref. Punumpuno iyon ng laman.

“Wow! Jackpot ang tummy ko nito!” hindi maiwasang mapabulalas ni Ligaya sa nakita.

Kinuha niya ang fresh milk at nagsalin nito sa baso.

“Hmmm, fresh milk for fresh midnight!”

Matapos uminom ng gatas ay humiwa naman ng kapirasong cake ang dalaga at inilagay iyon sa platito.

“Tabi-tabi po, titikman ko lang ang cake na’to kung makakapasa sa panlasa ko.”

Isusubo na lang ng dalaga ang hiwa ng cake nang bigla siyang makarinig ng mga putok. Isang kamay ang humila sa kanya at mabilis siya nitong naikubli sa ilalim ng mesa.

“Jonas!”

“Ssshhh! Nasundan nila tayo, at mukhang balak talaga nila tayong patayin.”

“Ano? Teka damay lang naman ako rito di ba? Sino ba talagang mga ‘yon?”

“Baka may kinalaman sila kay uncle, ‘yung mga taong nag-frame up sa uncle ko.”

“Frame up? Anong frame up?” (Itutuloy)