Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 604

Ika-19 na labas

“Jonas, tama ba ang nakita ko, kasama mo si Ligaya?” nag-aalalang tanong ni Manang Eva nang pagbuksan niya ng pinto ang binata.

“Yup. And guess what? Trouble ang dala niya sa’kin, akalain n’yo bang habulin kami ng mga taong may baril!”

“ANO? MAY BARIL?”

“Oo Manang.”

“Jonas hindi kaya ang mga taong ‘yon ay may kaugnayan sa Uncle Ben mo?”

“I don’t know…”

Naisip na rin iyon kanina ni Jonas. Pero wala siyang balak sabihin iyon sa uncle niya dahil siguradong sasabunin na naman siya nito ng sermon oras na malaman nito na lumalabas na naman siya.

“Sige na Jonas magpahinga ka na, bukas ikuwento mo sa akin ang buong pangyayari, pati na rin kung paano kayo nagkasama ni Ligaya.”

Kinabukasan. Habang nagkakape sa terrace nila ay laman ng isip ni Ligaya si Jonas. Pinagmumunihan ang mga pangyayari kagabi.

“In fairness, cute ang mokong na ‘yon, lalo na pag wala siyang tinta sa mata at ketchup sa labi…pero sino nga kaya ang mga gustong bumaril sa’min?… balak ba talaga nilang patayin kami o siya?”

Naputol ang pagmumuni-muni ng dalaga nang dumating si Rick at diretso siyang nilapitan sa terrace.

“Ligaya, alam mo na ba ang balita?”

“Wow naman bff, ang aga pa nagkakape pa nga lang ako, ano ba ‘yon?”

“Tungkol sa mga taong nawawala dito sa’tin, nabiktima pala sila ng human trafficking, mabuti na lang at nahuli na ‘yung mga sindikatong kumuha sa kanila at sinuwerte pa silang makaligtas!”

Nasamid ang dalaga sa paghigop ng kape at muntik na itong maibuga sa lalaki.

“Ibig sabihin lang bff na hindi talaga sila mga biktima ng aswang kundi biktima ng human trafficking!”

natatawang sabi ni Rick.

“Oo na, sige na, mali na’ko…isa pa, nakilala ko na rin naman ‘yung man in hood eh!”

“Sino naman ‘yon?”

“Actually hindi ko pa siya na-interview tungkol sa totoo niyang pagkatao at kung bakit gabi lang siya lumalabas, pero at least nalaman ko na ang name niya at nasisiguro kong hindi pa ‘yon ang huli naming pag-uusap!”

Natigilan si Rick. Tumitig ito kay Ligaya.

“Hmm teka, ‘wag mong sabihing hindi mo pa rin tatantanan ang lala­king ‘yon?”

“Of course not, marami pa akong gustong malaman tungkol sa kanya, saka kung hindi man siya aswang malamang kasapi sa kulto ang pamilya nila o kaya wanted kasi nga may gustong pumatay sa kanya, buti na lang hindi ako natamaan ng baril kagabi!”

“BARIL?” gulat na tanong ni Rick.

“Ssshhh! Ssshhh! ‘Wag kang mai­ngay baka marinig ka nila nanay at tatay ano ka ba?” agad na saway ng dalaga na nabigla rin sa pagbanggit tungkol sa baril. (Itutuloy)