Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-16 na labas

Kinabukasan. Ilang katok ang nagpalingon kay Manang Eva sa pintuan habang nagpupunas siya ng mga plorera. Lumapit siya at binuksan ang pinto. Nagulat ang matanda nang bumungad sa kanya si Ligaya na may dalang isang tasa ng adobong baboy na punumpuno ng bawang.

“Good morning po Manang Eva, ulam po para sa inyo!” nakangiting sabi ng dalaga.

Abante Hiring – IT dep

Palapit na sana si Jonas pero nagkubli ito sa likod ng makapal na kurtina nang makita ang dalaga.

“S-salamat, pero paano ka nakapasok dito?”

“Ikaw naman Manang may amnesia ka ba? Di ba nga keri ko namang mag-ala spiderwoman sa gate n’yo, sikreto lang natin ‘to ha, kapatid ako ni spiderman!” pabulong pang biro ni Ligaya.

Hindi natawa ang matanda at sa halip ay pormal itong tumugon.

“Ikaw yata ang may amnesia, di ba sinabi ko naman sa’yo na hindi makakabuti kung babalik ka pa rito?”

“Bakit naman po, may aswang po ba diyan?” sabay tanaw ni Ligaya sa loob ng bahay.

Kumunot ang noo ng matanda.

“Joke lang po!” bawi ng dalaga.

“Iuwi mo na ‘yang adobo mo, hindi kami kumakain niyan, at ‘wag ka na ulit babalik dito!” pagkasabi niyon ay pinagsaraduhan na ni Manang Eva ng pinto ang dalaga.

Saka lang lumabas mula sa pinagkukublihan si Jonas.

“Manang mukhang hindi tayo titigilan ng babaeng ‘yon!”

“Sa tingin ko rin, kaya dapat natin siyang iwasan.”

Lalo namang lumakas ang pagdududa ni Ligaya.

“Hindi sila kumakain ng adobo na maraming bawang, ibig sabihin ayaw talaga nila sa bawang kasi nga aswang sila! Di ba?”

Katabi ni Ligaya si Lupe sa sofa habang nagmemeryenda sila ng banana cue.

Related Posts

“Ang babaw ha, hindi lang kumakain ng niluto sa bawang aswang na agad?”

“E hindi lang naman ‘yon eh, ang dami ko nang kinuwento sa’yo ‘di mo pa ba ma-gets?”

“Hindi. Hangga’t hindi matibay ang ebidensya mo ayokong maniwala.”

“Ganern?… e di wow!”

Tumayo si Ligaya at aktong lalabas na ng pintuan.

“Oy sa’n ka pupunta, pwede namang iba na lang ang topic natin e!” habol ni Lupe.

“Okay fine, hanapin ko lang muna si Bff Rick baka siya makumbinsi ko!” tuluyan nang umalis si Ligaya.

Nagpatuloy si Ligaya sa pagbuntot sa binata. Laman ng bag pack niya ang flashlight, rosaryo at bawang.

Pumasok sa maliit na bar sa lugar na iyon si Jonas.

“Ano, aswang na nagpupunta ng bar?”

Hindi pumasok ng bar si Ligaya, sa halip ay naghintay siya sa labas nito. Kumain siya ng fishball sa malapit dito habang naghihintay. Hindi naman siya nainip dahil saglit lang sa loob ang lalaki at lumabas na rin ito.

“Malamang wala siyang nakitang pwede niyang biktimahin sa loob…kaya maghahanap siya sa ibang lugar…”

Hanggang sa pagbalik nito sa park. Muling naupo sa isang bench doon.

“Ito na ang hinihintay kong pagkakataon, sigurado namang babalikan talaga niya ang lugar na ito dahil dito siya unang nakakuha ng biktima!” sa isip ng dalaga.

Sa isip naman ng binata…

“Grabe, walang kuwenta ang bar dito, naka­kabagot na talaga…”

Maya-maya ay tumayo ito at nagpunta sa madilim na bahagi ng parke. Sa may halamanan. Kabadong bumuntot si Ligaya.

“Kailangan kong mailigtas kung sinuman ang bibiktimahin mo!” sa isip nito. (Itutuloy)