Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-13 na labas

“Ano ka ba naman kasi, hindi ba’t kabilin-bilinan ng uncle mo na huwag na huwag kang lalabas ng bahay?”

“E gabi naman po saka hindi naman niya alam!”

Pabagsak na naupo si Jonas sa sofa.

“E pa’no kung malaman niya, isa pa napakadelikado para sa’yo!”

“Pero alam n’yo naman po na hindi ko kayang mabuhay sa bawat sulok lang ng bahay na’to!”

Hinawakan ni Manang sa balikat ang binata.

“Alam ko pero kailangan mo pa ring magtiis at magtiwala sa uncle mo.”

Sabay silang napalingon sa mataas at paikot na hagdanan nang marinig nila ang pababang mga yabag.

“Jonas, lumabas ka?”

“Gusto ko lang huminga uncle…”

“Damn! Alam mo ba ang gagawin nila sa’yo kapag nakuha ka nila? They will kill you!” galit na sabi ni Ben.

Napatayo si Jonas sa sinabi ng tiyuhin.

“Kill me? Uncle ikaw ang may kasalanan sa kanila, maaaring gawin nila akong tulay para matunton ka at para maikulong ka, but kill me?”

Related Posts

“Marami ka pang hindi naiintindihan, pwede bang sundin mo na lang muna ako.”

Naiiling na tinalikuran ni Jonas ang uncle niya at iniwan ito. Nilapitan ni Manang Eva si Ben.

“Ben mahihirapan ka talagang ikulong siya rito kasi nasa edad siya ng pag-e-explore sa mundo at marahil nami-miss na rin niya ang mga kaibigan niya at pati ang pagpasok niya sa eskwela. Graduating pa naman siya…”

Hindi nakakibo si Ben. Maski siya ay nahihirapan na makulong sa loob ng nakabibinging katahimikan ng bahay na’to paano pa kaya ang isang tulad ni Jonas.

Sa ibang bansa kasi talaga nila planong magtago. Pero inaabangan na pala sila sa airport ng mga tauhan ng kalaban niya. Kaya mabuti na lang at iminungkahi ni Manang Eva na bilhin na lang nila ang abandonadong bahay na ito na pag-aari ng pinsan ni Manang Eva na nag-migrate na sa America.

Sa kabila ng pagbabawal ng tiyuhin ay patuloy pa rin ang pagtakas ni Jonas tuwing gabi para maglibang. Pumupunta siya sa pinakamalapit na bar at kung saan pa niya maisipang pumunta. Patuloy rin naman ang pagmamanman sa kanya ni Ligaya. Sa pagkakataong iyon ay sa isang park naisipang pumunta ni Jonas at iyon rin ang unang pagkakataon na nasundan siya ni Ligaya.

“Ano? Teka malamang dito siya mag-aabang ng mabibiktima…” sa isip ng dalaga na nakakubli sa likod ng isang malaking puno ng mangga.

Naupo si Jonas sa isang bench at luminga sa paligid.

“Grabe, I can’t believe na mapupunta talaga ako sa ganitong sitwasyon, para akong nasa middle of nowhere…no cellphone, no laptop, no friends at all!” sa isip naman ng binata na nanatiling nakokoberan ng hood ang kabuuan ng mukha.

Nanatili rin namang nakamasid si Ligaya. Maya-maya pa ay tumayo ang binata at lumapit sa isang lalaking dumaan. Nakaramdam ng kaba ang dalaga.

“Oh no, ayan na, nakakita na siya ng biktima!” si Ligaya na napaantanda pa.

Dahil sa distansya ay hindi narinig ng dalaga kung ano ang sinabi ng lalaki sa lalaking nilapitan nito. Pagkatapos ay tumalikod ang lalaking nilapitan at nagsimulang maglakad ulit kasunod ang lalaking naka-hood.

“Teka saan sila pupunta? Malamang nahipnotismo niya ‘to para pumunta sa madilim na lugar at doon niya kakagatin! Tama, isa siyang bampira!” ang nakakalokang teorya ng dalaga.

Sinundan niya ang mga ito hanggang sa madilim na bahaging iyon ng park.

“Aray, aray ko!” napayuko ang dalaga sa mga paa nang may mga langgam na kumagat sa kanya.(Itutuloy)