Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 607

Ika-12 na labas

 

Nilapitan ng matanda ang dalaga at pabulong na sinabi.

“Delikado para sa isang tulad mo na babae at maganda ang pumunta sa mga napabayaang lugar gaya nito, kaya kung ako sa’yo ‘wag ka na ulit babalik dito.”

“Ho? Pero…teka sino po ba ang bagong may-ari nito?”

“Hindi mo na kaila­ngan malaman, sige na, umalis ka na.”

“E Manang kasi po, bago po ako nawalan ng malay may nakita po akong lalaki, nakakatakot po ang hitsura niya, palagi po siyang naka-hood,  saka po nu’ng isang araw na nagpunta kami ng mga bff ko dito may mga nangyari pong…”

“Ssshhh, sshhh, sige na, umalis ka na, hindi makakabuti sa’yo ang magtagal pa dito.” Putol ng matanda sa mga sasabihin pa ng dalaga.

“Okay po aalis na!”

Related Posts

Hinatid pa ng matanda ang dalaga sa pintuan. Pero bago tuluyang lumabas ng bahay si Ligaya ay humirit pa ito.

“Manang mangunguha muna ko ng aratiles ha bago ako umalis!”

Mula roon ay dumiretso si Ligaya sa puntod ng kakambal.

“Lualhati, pasensya ka na ha, kasi konti lang ang nakuha ko, may nangyari na naman kasi…” inilagay ng dalaga ang konting aratiles sa ibabaw ng puntod ni Lualhati at saka nagsindi ng kandila sa tabi nito. Ikinuwento niya ang mga pangyayari na tila kaharap lang niya ang yumaong kapatid. Sa ganitong paraan naiibsan ang pagka-miss niya dito at pakiramdam niya ay totoong nakikinig lang ito sa kanya.

“Kung nandito ka lang sana, sigurado ako na tayong dalawa ang tutuklas sa misteryo ng bahay na ‘yon, pakiramdam ko kasi hindi tao ang bagong nakatira do’n eh… ‘yung naka-hood saka ‘yung matandang babae, parang may itinatago sila…pero di bale alam ko naman na kahit nandiyan ka na sa kabila tutulungan mo pa rin akong matuklasan ang misteryong ‘yon! O pa’no, sa ibang araw na lang ulit ha, kailangan ko ng gumora kasi baka hinihintay na’ko ni nanay.”

Hatinggabi.

Marahan at ingat na ingat ang bawat hakbang ni Jonas papasok sa bahay na madilim. Nang biglang bumukas ang ilaw.

“JONAS!”

“Manang Eva naman, ginulat mo ko!” (Itutuloy)