Una sa Balita

Mr. & Ms. Trouble

0 599

Ika-10 na labas

“ANO?” sabay na bulalas ng dalawa.

Nang biglang sumara ang pintuan at lumamig ang paligid. Kasabay noon ang pag-alingasaw naman ng amoy ng kandila.

Abante Hiring – IT dep

“EEEEE, AYOKO NA TALAGA BFF!”  sabay kapit ng mahigpit ni Lupe kay Rick.

Hinila naman ni Rick si Ligaya palapit sa pintuan.

“Tara na!”

Pero hindi na nila mabuksan ang pinto.

“Oh God!” si Lupe na nagpa-panic na.

“Teka, sa kusina, may pintuan do’n baka bukas do’n!” si Ligaya.

Takbo sila sa kusina. Subalit bigla rin silang natigilan.

“M-may mga gamit dito sa kusina?…malilinis?” takang-takang tanong ni Ligaya.

“Bestfriend, tingin ko may nakatira na dito eh!” ani Rick habang hinahawakan ang mga gamit pang­kusina.

Nang biglang may mga kumalabog mula sa salas kaya nagmamadaling lumabas na ang tatlo sa pintuan ng kusina at mabilis na tinungo ang gate. Halos magkandarapa sila at magkauntugan bago tuluyang makalabas.

Habang pinapanood ang tatlo na sumasampa sa gate palabas ay nagtatawanan naman sa bintana sina Manang Eva at Jonas.

“Manang timing na timing ang pagpapaamoy mo ng binili mong Sampaguita kanina, saka ‘yung pagsisindi mo ng kandila at pagbukas ko naman ng aircon, swak lang sa pagsara mo ng pinto!”

“Pinraktis natin eh, ‘yung mga picture mo naman sa piano, ang galing mo rin mag-edit!”

Nag-apir pa ang dalawa.

“Kaya lang, hindi natin napaghandaan ‘yung pagpunta nila sa kusina, nakita tuloy nila ang mga gamit natin do’n!” naiiling na sabi ni Jonas.

“Oo nga eh, buti na lang nagbagsak ka ng mga gamit dito sa salas kaya umeskapo na sila bago pa nila tayo mabuking!”

Related Posts

“Pero Manang Eva, atin-atin lang ‘to ha, kapag nalaman ni uncle na may nakakapasok dito si­guradong magagalit ‘yon! Alam mo naman ang matatandang binata!” natatawa pang sabi ng binata.

“Ssshhh ‘wag ka ng maingay at baka magising pa ‘yon.”

Umaga. Habang nagkakape ay laman pa rin ng isip ni Ligaya ang nangyari sa pagpasok nila sa malaking bahay.

“Grabe, ang tagal-tagal ko ng nagpupunta do’n ngayon ko lang napasok at ngayon ko lang nalaman na ang abandonadong bahay na ‘yon ay may magandang kusina?…tsk, tsk, lalo tuloy akong naguluhan…” kausap ng dalaga sa sarili.

“Feeling ko may mali eh…may mali talaga! Kailangan kong malaman…”

“Ligaya, anong kailangan mong malaman?” tanong ni Aling Amor na kapapasok lang sa kusina nila para magkape na rin.

“Morning po ‘nay! Wala po ‘yun, ‘yung ano lang ‘yung recipe ko po, kailangan ko pong malaman kung ano ‘yung mali!”

“Siyanga pala anak, pakitandaan mo sa barber shop ng tatay mo ang tanghalian niya bago ka pumasok, hindi raw kasi siya makakauwi mamaya at maraming kustomer.”

“Ok po.”

Barber shop. Nagmano si Ligaya sa tatay niya na kasalukuyang may ginugupitan bago niya inilapag ang pagkain nito sa mesa.

“Salamat anak, diretso ka na ba sa school niyan?”

“Opo ‘tay.”

“Ligaya, di ba lagi kang nangunguha ng aratiles do’n sa abandonadong bahay?” tanong ni Mang Hermes na siyang ginugupitan ni Mang Romulo.

“E, opo, bakit n’yo natanong?”

“Kasi balita ko may nakabili na raw no’n, totoo ba ‘yon?”

“Ho? Aba’y malay ko ho, wala naman po sa akin ang titulo no’n eh!” biro ng dalaga.

“Ikaw talaga, e syempre malalaman mo ‘yon kasi ikaw ang madalas do’n eh!”

Natigilan si Ligaya. Kung may nakabili na no’n ang ibig sabihin may nakatira na nga do’n!

“E kaya ko naman natanong kasi wala naman akong nakikitang lumalabas o pumapasok do’n sa bahay, baka ikaw meron?” (Itutuloy)