Una sa Balita

Mr. Gay PH, feeling Pia Wurtzbach!

CHRISTIAN LAXAMANA
0 8

Kahit ang titulo niya ay Mr. Gay World Philippines, mas gusto ng Philippine representative na si Christian Laxamana sa Mr. Gay World na maging female counterpart siya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Pareho raw sila ng advocacy ni Pia, ayon kay Christian, ang tulungang maging aware ang lahat sa paglaganap at prevention ng HIV o AIDS sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas.

Smart at matalino si Christian kaya naman malaki ang laban niya na masungkit ang kauna-unahang korona para sa Pilipinas. Maliit lang si Christian kumpara sa mga haharaping ibang kandidata ng MGW mula sa iba’t ibang bansa, pero sa talino nito, siguradong hindi siya kayang kabugin ng kanyang mga kalaban.

Dagdag pa rito, alam ni Christian na gagabayan siya ng yumao niyang ina sa sakit na cancer, sa magiging laban niya sa Malta ngayong Abril. Puspusan na ang training ni Christian para sa kontes at handa na rin ang isusuot niyang national costume na ang design ay Philippine Jeepney at ang isa ay halaw sa Mindanao.

Isang bisexual ang deskripsyon ni Christian sa sarili dahil nagkaroon siya ng 9 girlfriends at 4 naman ang naging ka-relasyon niyang lalake. Bukas si Christian sa posibilidad na magkaroon ng mga anak at magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Hindi raw niya itatago sa kanyang mga anak ang pagiging isa niyang LGBT para magkaroon daw ng respeto ang mga magiging anak niya sa lesbian, gay, bisexual at transgender. (REY P­UMALOY)