Una sa Balita

Mr. Earth (amoy lupa)

By
0 584

Naka- #metoo na ang nakakalungkot na nangyari sa Ms. Earth Beauty Pageant, kung saan ang isang ‘Amado Cruz’ ay nang-harass umano ng tatlong kandidata – Ms. Guam, Ms. Canada at Ms. England.

Si Cruz umano ay isa sa sponsor ng pageant.

Kumpirmado siyang itinuro ni Ms. Guam sa kanyang post sa social media kung saan si Cruz ay nangako ng korona kapalit ng ‘sexual favor’.

Nangangahulugan na makukuha ang atensyon ng buong mundo at kung walang magiging aksyon, makokompromiso ang lahat ng beauty pageant, lokal man o internasyonal.
d
Sa mga larawan na naka-post sa Social Media, may isa na kasama ni Cruz si Pangulong Duterte. May mang-iintriga sa larawang yan.

Ang mas magandang gawin ay i-ban na si Cruz sa lahat ng sponsorship ng mga beauty pageant.
Lord Kayo na po ang bahala.

BALITAWIT
Lagot Ka (Masculados)
CHORUS
Lagot ka, lagot ka
Huling-huli ka, huling-huli ka
Mina-manyak mo sila…
Lagot ka, lagot ka
Isusumbong kita,
Iba-iba ang gusto mong kandidata..
(Hey)
Sabi niya ikaw daw ang siyang nagyayaya…
Doon sa Boracay, kayo lang dalawa…
Kay dami mong pa­ngako, pahimas-himas pa!
Ang ‘di nila alam manloloko ka lang pala…
(Hey)
[Repeat CHORUS]
Una’y si Ms. Canada, ang unang binola…
Kanya ang korona kung maika-kama siya.
Biglang may gumaga­pang sa kanyang likuran…
Laking gulat niya si Sponsor, ay nariyan…
(Hey)
[Repeat CHORUS except last two words]
[Repeat CHORUS]
Hala, hala, hala
Meron akong nakita, hindi ko sasabihin
‘Wag mo akong pilitin
Kitang-kita ko kay likot-likot mo…
Ikot ka ng ikot parang ipo-ipo
Yun pala’y naghahanap nang mabibiktima..
Walang hiya-hiya kahit pa siya’y amoy lupa!
(Hey)
[Repeat CHORUS]
Hala, hala, hala
Meron akong nakita (hala), hindi ko sasabihin (hala)
‘Wag mo akong pilitin (hala) baka ika’y mabitin
[Repeat CHORUS]
Meron akong nakita (hey), hindi ko sasabihin (hey)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy