Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mr. Bernardo kay Daniel: ‘Bubugbugin kita pag pinaiyak mo si Kathryn’

0 960

Inabangan talaga ng mga fan ang Everyday Kath YouTube channel ni Kathryn Bernardo, na kung saan ay guest niya ang tatay niya mismo.

Ang bongga rin ng konsepto nila na habang nagbo-boodle fight, nagtatanungan at sagutan.

At siyempre, ang tungkol kay Daniel Padilla ang pinakagustong part ng mga fan. Lalo na sa tanong kung kailan tinanggap ng papa niya si Daniel, o kung boto ba talaga ito, at kung ano ang masasabi niya sa anak ni Karla Estrada bilang boyfriend ng kanyang anak.

Tanong nga, ano raw ang ginawa ni Daniel sa tatay ni Kathryn para matanggap ito bilang boyfriend ng anak.

“Show of respect lang. Alam niya ang lugar niya. Hindi naman siya matanong, hindi rin mayabang, suwabe lang, okey lang. Saka ang porma niya, hindi yabang, natural.

“Sa iba, pag nakita mo, sasabihin mo mayabang. Sa kanya okey lang, suwabe,” sagot ni Mr. Bernardo.

Pero, nagkaroon ba ng moment sina Daniel at Mr. Bernardo? Na tipong nag-usap ng lalake sa lalake?

“Parang ganun lang, bilin lang na, ‘O baby ko ‘yan, alagaan mo ‘yan, kasi sabi niya, noon ngang nag-debut siya, na in-endorse ko siya, ingatan mo lang,” sabi ni Mr. Bernardo.

‘Iniingatan naman? Di ba, Papa?’ sundot na tanong ni Kathryn.

“Sabi ko bubugbugin ko siya! Hahahaha!” pabirong sagot ni Mr. Bernardo.

“Kailangan talaga ipakita ng lalake ang intensiyon niya na aalagaan niya ang babae, kasi makikita ng magulang `yan,” sey ulit ni Kathryn.

“Sa mga gusto na mag-boyfriend, hindi siya dapat minamadali. Kung nasa posisyon ka ng parents, isipin mo ang hirap din mag-let go ng anak. Respect talaga is very important,” sabi pa ulit ni Kath.

Pero, tanong ulit ni Kathryn, ano ang reaksiyon ng tatay niya noong malaman na magdyowa na sina Daniel at Kathryn. Eh, 16 years old lang pala si Kath noon.

“Sabi ko, pag-isipan muna niyang mabuti, kilalanin niyang mabuti. Kung okey, then go. It’s your feeling,” sagot ni Mr. Bernardo.

“Hindi ‘yan ang sinabi mo sa akin, Papa. Sabi mo, sigurado ka na ba diyan, pag-isipan mo yan,” pagkukorek ni Kathryn.

‘Ano na feel mo noon, Papa?’ tanong ulit ni Kath sa ama.

“Halo, natakot, natuwa. Sabi ko, mukhang okey naman siya. Tapos mukhang totoo naman. So, kasi pag wala namang ginagawa, wala ka namang magagawa sa kanilang dalawa. Lalo na ngayon, nasa right age na sila, at nakita ko mukhang maganda naman ang relasyon nila,” sabi na lang ni Mr. Bernardo.

Mahaba pa ang tanungang, sagutan ng mag-ama. Pero siyempre, ang tungkol muna kina Kath at Daniel ang pinag-interesan namin. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.