Una sa Balita

MPDPC, ‘Scroll of Honor Award’ ng PRC

0 1,022

BINIGYAN ng ‘Scroll of Honor Award’ ng Philippine Red Cross (PRC) ang pamunuan ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) bunsod ng sunod-sunod at matagumpay na ‘blood-letting prog­ram’ na isinagawa ng mga kagawad ng media sa Maynila.

Ang nasabing award ay ipinagkaloob ganap na alas-kuwatro nang hapon nitong Biyernes sa Multi-Purpose and Logistic Center ng PRC sa EDSA, corner Boni Avenue, Mandaluyong City.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang ‘Scroll of Honor Award’ ay isa sa highes­t award na ibinibigay ng Philippine Red Cross sa mga ‘good samaritan’ sa bansa.

“Give Blood, Share Life, Dugo ko Dugtong buhay ng kapwa ko,” sabi ni Gordon.

Si Chairman Gordon, PRC official na sina Rosa Rosal, Corazon Alma de Leon at dating Pangulong Fidel V. Ramos ang nagkaloob ng parangal sa MPDPC at iba pang grupo at indibidwal na naghandog ng kanilang dalisay na dugo para makapagligtas ng buhay sa mga maysakit na ‘less fortunate’ na mamamayan sa bansa.

Ang set of officer ng MPDPC 2016-2018 ay tatlong ulit nang nakapagsagawa ng matagumpay na ‘blood-letting program’ sa Multi-Purpose Hall ng MPD headquarters, sa UN Avenue, Ermita, Maynila.