Una sa Balita

MPD nagpaalala sa huling linggo ng Bar exam

0 259

MAHIGPIT na ipatutupad ng Manila Police District (MPD) ang walong ordinansa sa huling linggo ng Bar examination sa Nobyembre 25 na gaganapin sa University of Sto. Tomas sa may Sampaloc, Maynila.

Ayon kay MPD Director PBGen. Bernabe Balba, bukod sa mga ordinansa, magpapatupad ng road closure at traffic re-routing ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU).

Kabilang sa mga ipapatupad na mga city ordinance ay ang RO 7498 o Drunk and Disorderly Conduct; RO 838 o Selling Liquors to minor; RO 844 o Breach of Peace; RO 846 o Anti Nose; RO 864-C o Concealing deadly Weapons; RO 1054 o Urinating in Public Places; RO 864 o Prohibiting Firecrakers at RO 5555 o Drinking in Public Places.

Nabatid na tuwing matatapos ang huling linggo ng Bar examination, dinadagsa ang lugar ng mga kaanak ng mga kumuha ng pagsusulit, kaklase, mga brother at sister sa fraternity para sa ‘salubong’ at suporta sa mga Bar examinee. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy