Una sa Balita

MPBL: Wilson, Cardona rumatsada

0 281

RATSADA sa ika-10 sunod na panalo ang defending champion San Juan Knights, pinakahu-ling biniktima ang Cebu City Shark, 88-69, Lunes nang gabi sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season sa Cuneta Astrodome.

Nagpasiklab ang mga ex-pro na sina John Wilson na may 23 points habang si Mac Cardona ay nagdagdag pa ng 16.

Tumapos rin si last season Finals MVP Mike Ayonayon ng 12 puntos para sa San Juan.

Sa main game, panalo rin ang Pasay Voya-gers kontra Rizal Gol-den Coolers, 74-69.

Pangatlong dikit na panalo ito ng V­oyagers para umangat sa 5-6 win-loss record.

Namuno sa Pasay si Axel Inigo na tumapos ng 26 points sa likod ng 6-of-10 shooting sa three-point region.

Sa unang laban nitong Lunes, angat din ang Manila Stars kontra Valenzuela Classic, 71-66. (Aivan
Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy