Una sa Balita

MPBL: Tigers unang nagpadugo

0 340

NAKAUNA ang Davao Occidental-Cocolife sa best-of-three quarterfinals series kontra Bicol-LCC Stores, 77-71, sa bakbakan Lunes ng gabi sa 2019-20 Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup sa Rizal Memorial Colleges Gym.

Kontrolado ng Bicol ang unang hati ng laban, pagsapit ng third frame, tinapakan na ng Davao ang silinyador upang kunin ang manibela, 55-53.

“It is playoff basketball. We have to be ready for that kind of situation where our opponent comes out aggressive. We were able to adjust in the second half and good thing we came out with the win,” ani Davao coach Don Dulay.

Nanguna sa opensiba ng Tigers si ex-pro Mark Yee matapos gumawa ng 20 points, 12 rebounds at 4 assists habang si Eman Calo naman ay tumirada ng 18 markers.

Katuwang din sa opensa si Billy Jay Robles sa kinulektang 11 marka, 9 boards, 3 assists, 2 blocks at 1 steal.

Kapos naman ang 15 at 10 markers nina Jerome Garcia at Ronjay Buenafe para sa Bicol.

Samantala, pinabagsak rin ng Zamboa­nga-Family’s Brand Sardines ang Batangas-Tanduay, 78-74. ­(Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More