Una sa Balita

MPBL: Pagkawala ni Ray Parks sinamantala ng Laguna Heroes

By
0 434

SINAMANTALA ng Laguna Krah Heroes ang kakulangan ng Mandaluyong El Tigre tungo sa 76-72 panalo sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Miyerkoles ng gabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan City sa Laguna.

Hindi hinayaan ng Heroes na mapahiya sa sariling balwarte at inupakan ang Mandalu­yong para masikwat ang ikapitong panalo sa 13 laro.

Wala man ang key players ng El Tigre na sina Ray Parks, Prince Rivero, John Alabanza at mag-utol na Thomas at Axel Torres maging si head coach Mac Cuan, hindi naman nagpatinag ang Mandaluyong at nakipagsabayan sa kalaban.

Ang mga nasabing manlalaro ay bahagi ng Alab Pilipinas na maglalaro sa ASEAN Basketball League (ABL) kaya hindi pa alam kung makakabalik pa ang mga ito sa liga.

Pero sadyang gutom sa panalo ang Laguna na sinabayan pa ng pag-alagwa ni Raymond Ilagan na pumoste ng 14 puntos, 11 rebounds at dalawang blocks.

Sa pagkakatalo ng El Tigre, bitbit na nito ang 6-6 na baraha sa Northern Division ng liga. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy