Una sa Balita

MPBL: Pacquiao, Caloocan harurot

0 242

NAPANATILI ng Caloocan at Makati ang kanilang ratsada habang nakasampa na sa win column ang Marikina sa umiinit pang mga tagpo sa MPBL Lakan Season sa Caloocan Sports Complex.

Kinulekta ng Victory Liner-­supported Supremos ang kanilang fourth straight win sa pagtambak sa SOCCKSARGEN Marlins-Armor On, 93-77.

Nangibabaw si Rene Pacquiao, rumehistro ng 15 points at 12 rebounds para ibigay sa Supremos ang panalo sa torneong binuo ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Angat sa 5-5 ang Caloocan at ibinigay naman sa biktimang SOCCSKSARGEN ang ikawalong sunod na talo upang manatiling tanging winless squad sa third season ng liga.

Samantala, nakaisa na ang Marikina nang tapakan­ ng Shoemasters ang Valenzue­la Classic, 70-65.

(Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy