Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MPBL: Mabayo solido depensa

0 83

SANDIGAN sa depensa ng Zamboanga Family Brand Sardines si Mon Mabayo sa kasalukuyang OKBet MPBL Regular Season 2022.

Ibayong lakas sa depensa ang ipinamalas ng 6-foot-2 player na si Mabayo upang bigyan ng 98-71 panalo ang Zamboanga kontra Pasig City kamakailan.

Kakaibang Mabayo ang nasilayan sa nasabing laro kung saan pati outside shooting ay kanyang naipamalas.

“The other teams know that I don’t really have outside shooting so I’ve been working hard to improve that part of my game,” ani Mabayo.

Nailista ng Zamboanga ang kanilang malinis na 5-0 rekord at kasalukuyang nasa ikalawang pwesto sa likod ng naghaharing Batangas Embassy Chills sa Southern Division.

Sa Northern Division naman ay pinaghaharian ng Nueva Ecija Vanguards ang team standings sa kanilang malinis na 5-0 win-loss slate.

Bukas, Hulyo 2 ay muling mapapanood ang MPBL sa kanilang triple header kung saan unang maghaharap ang GenSan at Quezon City ganap na alas-5 ng hapon, kasunod ang labanan ng Nueva Ecija at Sarangani sa alas-7 ng gabi habang ang Valenzuela at Bataan naman ay magtatagpo ganap na alas-9.

Ang mga nasabing laro ay gaganapin sa tahanan ng Bataan team sa Kamalig Orion Sports Complex. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.