Una sa Balita

MPBL Lakandula Cup binuksan ni Pacquiao

0 336

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-121 na kasarinlan ng Pilipinas, pormal nang binuksan ang ikatlong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Miyerkoles sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Tatawaging Lakandula Cup ang 2019-2020 season ng isa sa mga malaking amateur league ngayon sa bansa na kinatatampukan ng 31 koponan,
Pinangunahan ni MPBL founder at chief executive officer Senator Manny Pacquiao ang pagbubukas ng liga kasama ang commissioner na si Kenneth Duremdes at ilang opis­yal ng liga.

“Today we shared the celebration by launching the third season of Maharlika Pilipinas Basketball League. Maraming pagbabago ang pinagdaanan ng MPBL, when we started we only have 10 teams which eventually expanded to 26 teams and this season we have a total of 31 teams,” wika ni Pacquiao. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy