Una sa Balita

MPBL: Imus Bandera nilayasan ni Codiñera dahil ‘alang kontrata

By
0 1,249

KULANG ang isang araw na baliktaktakan kung tatanungin mo lahat ng magagandang nangyari sa career ni Jerry Codiñera.

Mula sa pagiging varsity pla­yer sa University of the East, sa PBA, sa pag-aartista hanggang sa pagi­ging mentor.

Sa halos isang oras na tanungan sa Sportalakan noong Martes ay maraming nalaman sa larangan ng pagko-coach kay Jerry.

Kasalukuyang hinahawakan ni Codinera, a.k.a ‘Defense Minister’ ng PBA ang Arellano University sa 94th NCAA basketball tournament.

Ginabayan din ni Codiñera ang Imus Bandera-GLC Truck and Equipment sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), pero nilayasan niya nitong Agosto lang.

Ang dahilan – walang kontrata ang pagiging coach ni Codiñera.

“Tinatanong ko ‘yung kontrata, ang kaso walang maipakita ang management ng Imus,” saad ni Co­diñera. “Walang contract, so walang job security.”

Tinapik si Codiñera bilang head coach ng Imus sa kalagitnaan ng inaugural season ng MPBL hanggang sa bispe­ras ng laban nila kontra Makati Skyscrapers may dalawang Linggo na ang nakaraan.

Naka-focus ngayon si Codiñera sa Arellano U na may 3-4 karta.