Una sa Balita

MPBL: Helterbrand, Imus lusot sa Rizal

0 429

TATLONG foul throw ng Imus Bandera, isa kay ex-PBA Most Valuable Player (MVP) Jayjay Helterbrand at dalawa kay Francis Munsayac, sa endgame ang nagsalba sa koponan kontra Rizal Golden Coolers, 79-77, sa overtime sa unang laban ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Lubog ng isa, 76-77, sa last two minutes ang Imus, sumalaksak sa shaded area si Helterbrand subalit na-foul patungo sa basket.

Split ang charities ni Helterbrand subalit nagsalpak naman ng sariling dalawang free throw si Munsayac nang ma-foul siya sa natitirang tatlong segundo kung saan tabla ang iskor, 77-all.

Nanguna sa Imus si Jeric Nacpil nang tanghaling Best Player of the Game sa ikinamadang 15 markers sa likod ng 6-of-10 field goal.

Humablot din si Nacpil ng walong caroms.

Tumapos naman si Helterbrand ng 10 puntos, apat na boards at pitong dimes habang si Munsayac ay may limang marka, dalawang rebounds at 6 assists.

Nasikwat ng Imus ang ikalimang panalo kontra 13 talo, samantalang nalasap naman ng Rizal ang ika-13 talo kontra tatlong panalo.

Nasa 13th spot ng Southern Division ang Imus Khaleb Shawarma, samantalang nasa ika-15 pwesto ang Rizal sa Northern Division ng torneo.

Nanguna naman sa Golden Coolers si Mark Benitez na kumubra ng 17 points, 5 boards at 2 assists. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy