Una sa Balita

MPBL: Davao Cocolife rumesbak sa GenSan

0 298

MATAPOS lumasap ng bihirang pagkatalo sa kanilang huling asignatura, ibinuhos ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang bangis kontra GenSan Warriors, 84-75, sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup Biyernes ng gabi sa Olivarez College Gym.

Agad na dumistansya ang Tigers ni team owner Rep. Claudine Bautista na suportado nina Cocolife presidentt Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque, sa inilatag na run and gun game ng mga starter na sina Mark Yee, Billy Robles, Joseph Terso, Ivan Ludovico at Marco Balagtas.

Lumobo sa 52-31 ang abante ng Davao Cocolife sa ikatlong yugto pero umangal ang Warriors na madis-armahan sa pagsisikap nina Robbie Celis na pumukol ng kambal na tres, Pamboy Raymundo, John Orbeta at Juju Bautista upang tapyasin ang lamang sa single digit parating ng homestretch.

“Mahirap magkumpiyansa kahit malaki ang lamang kaya diniinan na namin sa crucial endgame,” wika ni Yee na kumamada ng 16 points,13 rebounds at 2 assists.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy