Una sa Balita

MPBL: Davao Cocolife intact pa rin — Alao

0 232

MANANATILING mabangis na Tigers ang frontli­ners ng Davao Occidental Cocolife na sina Mark Yee, Bonbon Custodio, Billy Robles at Bogs Raymundo sa kanilang pagsabak sa panibagong edis­yon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa susunod na buwan.

Ayon Kay Davao Cocolife Tigers assistant team manager Ray Alao, intact ang starters ng MPBL Datu Cup Southern Conference champion at runner-up ng national finals maliban kay slotman Leo Najorda na nasa estado pa ng re-negotiation.

Gayundin ang mga homegrown talent ng Mindanao team ni Cong. Claudine Bautista na itinataguyod naman nina Cocolife President Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan at mananatili sa koponan maliban sa konting pagbabago.

Dahil ang susunod na edisyon ng ligang inorganisa ni Sen. Manny Pacquiao na nagpapahintulot na ng dalawang Fil-foreign player, tiniyak ng coaching staff ng Tigers na makakakuha sila ng mahuhusay na mestisong manlalaro upang lalong paigtingin ang kanilang misyong mahablot na ang national championship sa MPBL.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy