Una sa Balita

MPBL crown, pipitasin ni Cardona, San Juan

0 361

AMIN NA ‘TO!

Laro sa Lunes/Abril 22:
(FilOil Flying V Centre, San Juan)
7:00pm — San Juan vs. Davao Occidental
(San Juan leads series 2-1)

PIPITASIN nang San Juan Knights ang korona ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup pagbalik ng aksyon sa Lunes, Abril 22, sa filOil Flying V Centre sa San Juan City.

Ito ay matapos angkinin ang 2-1 bentahe kontra Davao Occidental Tigers sa bisa ng 67-62 panalo sa Game 3 ng kanilang best-of-five finals showdown Martes ng gabi.

“Hindi na naming pakakawalan ito (MPBL Datu Cup title) sa Game 4, kukunin na naming ito,” wika ni former PBA star Mac-Mac Cardona ng Knights, tumapos ng siyam na markers.

Solidong depensa­ ang pinamalas ng Knights sa payoff period nang limitahan nila ang Tigers sa siyam na puntos lamang.

Nanguna sa San Juan si Mike Ayonayon sa kanyang 15 points katuwang si John Wilson na mayroon namang 12 marka.

Nagparamdam din si Jhonard Clarito na tumapos na 12 puntos, 18 rebounds, kabilang na ang 11 sa final frame.

May pagkakataon na ang San Juan na tapusin ang serye at sungkitin ang kampeonato sa Lunes, Abril 22 sa sarili nitong balwarte.

Wala namang nagawa ang 15 puntos at limang rebounds ni Bogs Raymundo para sa Davao, na susubukang sikwatin ang Game 4 ng serye para maipuwersa ang Game 5 sa kanilang bahay sa Davao City sa Abril 25. (Fergus ­Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy