Una sa Balita

MPBL: Bacoor Strikers angat sa Zamboanga

0 222

NILANTAKAN nina Michael Mabulac at Bacoor Strikers ang ikaapat na kabit na tagum­pay sa bisa ng 83-75 pananalasa sa Zamboanga-Family’s Brand Sardines sa MPBL Lakan Season Lunes nang gabi sa Cuneta Astrodome.

Nanguna para sa opensa ng Strikers si ex-pro Mabulac na may double-double performance na 24 points at 11 rebounds.

Angat sa 4-1 win-loss record ang Bacoor samantalang lugmok sa 1-3 marka ang Zamboanga sa ikatlong season ng fastest growin­g regional amateur basketball league nina Senator Manny Pacquiao at PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Sinamantala ng Strikers ang pagkawala ni Zamboanga head coach Raymond Valenzona dahil sa suspension.

Bumida rin para sa Bacoor sina reigning league Most Valuabl­e Player Gab Banal na may double-double output na 10 points at 11 boards samantalang may 12 points naman na ambag si team captain Oping Sumalinog. (Ja­niel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy