Una sa Balita

MPBL: Abrigo tawid sa Manila

0 338

By Fergus Josue, Jr.

MAY dagdag lakas ang Manila Stars sa darating na season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ang 6-foot-3 na si Gian Abrigo ang bagong recruit ng Stars sa darating na season ng pinakamalaking regional amateur basketball sa bansa.

Unang naglaro sa Quezon City Capitals si Abrigo sa inaugural staging ng liga bago lumipat sa Mandaluyong El Tigre.

Magiging malaking dagdag si Abrigo sa Stars matapos mawala ang isa sa mga big man nito na si Riel Cervantes.

Bukod kay Abrigo, makakasama na niya rin sa mas intact at malakas na Stars ang ilang former professional players na sina Ronnie Matias at Carlo Lastimosa kasama rin sina dating La Salle stars Mark Dyke at Jollo Go.

Noong nakaraang season ay nag-average si Abrigo ng 9.84 points at 8.6 rebounds per game.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy