Una sa Balita

MP Promotions ni Pacquiao, hindi makabayad sa Matthysse fight

PURDOY NA?

0 2,054

Binabalot diumano ng ‘financial issues’ ang world-title fight sa pagitan nina eight-division champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao at Argentinean WBA welterweight kingping Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur na nakatakda sa Hulyo 15.

Sa report ni Dan Rafael ng ESPN, nagmintis daw ang MP Promotions ni Pacquiao at partner na Golden Boy Promotions sa ilang aspeto ng pagpopondo ng laban.

“An initial payment of $500,000 was made to the Golden Boy/Matthysse camp when the fight was signed, but the rest of the money for their side — $2 million, according to a source — is more than a month past the deadline for when it was supposed to be deposited into an escrow account to hold the money until after the fight takes place,” ayon sa artikulong sinulat ni Rafael sa ESPN.

Sabi pa ni Rafael, pumalya din umano ang MP Promotions sa pag-deposit ng pondo para sa production cost ng mga commercial spot at iba pang aspeto ng laban.

Sa report naman ng ABS-CBN, nakapana­yam ng naturang media outfit ang business head ng MP Promotions na si Arnold Vegafria at hindi niya direktang sinagot kung may problemang pinansiyal ba sa pagsasagawa ng Pacquiao-Matthysse bout.

Imbes, sinabi lang nitong tuloy ang upakan at kapwa nagpapakondisyon nang todo ang dalawang boksi­ngero.

“The fight is on. Every­thing is being arranged and on sche­dule. Both Pacquiao and Matthysse are training hard in their respective camps to give the fans that will be viewing the fight all over the world an action-packed, competitive battle,” anito.

Ang Pacquiao-Matthysse fight ay isang ESPN pay-per-view event.