Una sa Balita

Movie ni Coco magna-No. 1 dahil kay Yorme Isko

0 620

Ay bongga! Lamang na nga ang pelikulang “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” ni Coco Martin, dahil kasama nga sa pelikula si Yorme Isko Moreno. Kunsabagay, sa trailer pa lang ng movie nila, na kung saan ay ipinakita nga si Isko, natuwa agad ang mga fan niya, at nangakong uunahin nilang mapanood ang movie nila.

At kahapon, may bonus pa ang mga taga-Maynila, dahil hayun nga ang buong tropa ng “3pol, Trobol” at nagparada, ha! Doon pa lang, lamang na sila, na nakapag-promote nga ng movie at sa mga mahal ni Yorme na taga-Manila pa.

“Maraming salamat Yorme sa pagpapaunlak sakin na maging parte ka ng pelikula natin salamat po sa lahat ng suporta mo at ng buong Maynila pinahanga mo kami!” sabi ni Isko kay Yorme.

“Salamat po Mayor Isko Moreno sa suporta at sa mainit na pagtanggap sa amin para makasama namin ang mga kababayan natin sa maynila. GOD bless po…” sabi naman ni Ai Ai de las Alas.

Eh, nangangako nga ang mga taga-Maynila na susugod agad sila sa sinehan para suportahan ang pelikulang ito ni Yorme. Kesehodang hindi talaga bida si Yorme sa movie, ha.

Mababasa nga sa mga comment na kaya sila tumutok sa parada ay para makita si Yorme. Na kaya rin sila manonood ay para makita rin si Yorme.

Oh, suwerte ni Coco, na naisip niyang isama si Yorme sa movie niya, kaya mas lalong dadami ang susugod sa sinehan, ha!

Basura ginamit sa fashion show

Dinayo nga ni Dingdong Dantes ang majestic ‘Land of Seven Falls’ sa Cavinti, Laguna para ikuwento ang istorya nito.

At nakakatuwa naman ang isang blogger na bumisita sa sinking village sa Bulacan, ang Barangay Taliptip, Pariahan Island, para magdaos ng Media Noche with long-time residents Tatay Nino and Nanay Benny, who continue to endure the difficulties of living amidst the flood and the threat that their town might soon be erased from the face of the earth.

Ang mga artista naman na sina Rocco Nacino at Betong Sumaya ay magsi-share ng mga useful tips on disaster preparedness with the help of some experts.

At sa Masbate, a group of student-cosplayers go ecofriendly by using recyclable materials for their costumes in a one of a kind “trashion show.”

Kris, JoshLia mapapanood sa Vietnam

Patuloy na dumarami ang tumatangkilik sa mga pelikula ng ABS-CBN sa ibang bansa dahil tatlong sine na tumabo sa takilya at minahal ng maraming Pilipino ang umaarangkada sa Vietnam channels na K+ at Canal+.

Unang umere na noong Setyembre sa K+ ang highest grossing movie of 2018 na “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasunod naman nito ang “Love You To The Stars and Back” na obra ni writer-director Antoinette Jadaone, starring Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ngayong Pasko (Disyembre 25), magpapatawa at magpapakilig naman ang “I Love You, Hater” nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Kris Aquino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More