Una sa Balita

Nadine grabe ang talak sa ex-dyowa ni James

By
0 6,466

Sa ex-girlfriend nga ba ni James Reid na si Ericka Villongco ang IG video post ni Nadine Lustre na, ‘Buti pa ‘yung traffic sa Edsa nagmo-move on.’

Sa IG video ito ipinost ni Nadine kaya kung hindi naka-off ang direct message niya, paniguradong nababasa niya ang comment ng ilang netizen sa post niya at sa hula ng mga ito na pinatutungkulan niya ng post.

Sa isang blog site, ang ex ni James na si Ericka Villongco ang hula na diumano ay sinasabing hindi nakaka-move-on.

Abante Hiring – IT dep

Kailan lang namin nasilip ang IG ni Ericka kaya clueless kami kung bakit may ganito palang isyu o pag-a-assume nga lang ba ng mga fan? Eh, matagal nang break sina James at Ericka so hindi pa rin nakaka-move-on? Huh!

‘Yun lang, mukhang pinagkukumpara pa rin hanggang ngayon sina Nadine at Ericka.

Nandiyang kinukumpara kung sino ang mas sexy sa kanila, kung sino ang mas hot at nanggagaya raw.

Kung ang ibang netizen ay nagsasabing hindi pa rin daw nakaka-move-on si Ericka, may ilang netizen naman ang mas pabor sa huli sa pagsasabing si Nadine raw ang nag-i-stalk ng IG ng ex ng boyfriend at kesyo ginagaya raw nito ang style ni Ericka at mga post nito.

Nang basahin naman namin ang comments sa IG ng ex ni James, ang dami pala nitong bashers.

Napaisip tuloy kami, si Ericka o ang mga fan ba ang hindi maka-move-on sa naging relasyon noon ni James dito?