Una sa Balita

Motorsiklo vs van: Rider dedo, angkas kritikal

0 393

NASAWI ang driver ng isang motorsiklo habang kritikal ang angkas nito nang makasalpukan ang kasalubong na Toyota LiteAce sa Dasmariñas City, Cavite kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Virgilio Felipe Jr., habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang angkas nito na si Benjamin Roldan, pawang taga-Bacoor, Cavite.

Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng Toyota LiteAce na si David Mambanon Jr, 45-anyos, ng Barangay San Gabriel, GMA, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt. Roland Manaog ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-singko kahapon nang madaling-araw nang naganap ang insidente sa Molino-Paliparan Road, Barangay Salawag, kung saan kapwa binabagtas ng dalawang driver ang nasabing lugar.

Pagsapit umano sa palikong bahagi ng kalsada, nagsalpukan ang dalawang sasakyan na nasa magkabilang direksyon.

Sa lakas ng bangaan, tumalsik ang driver ng motorsiklo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan habang ang angkas nito ay nagtamo ng malalang sugat kaya isinugod ito sa ospital. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy