Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Motorsiklo sinuwag ng truck, tanod dedo

0 37

Patay ang barangay tanod na sakay ng motorsiklo matapos mabundol ng isang trailer truck sa kahabaan ng Barangay Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Charles Corales, 42, barangay tanod ng nasabing barangay.

Samantala, ang suspek ay si James Gorobal, 31, ng Barangay Manuel, Naguilian, Isabela.

Ayon sa Reina Mercedes Police Station (RMPS), tinatahak ng trailer truck ang national highway ng Barangay Nappaccu nang biglang mag-overtake ang motorsiklo na minamaneho ni Corales.

Dito, sinuwag ng truck ang motorsiklo na tumila­pon ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan ang biktima sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala, sumuko naman sa awtoridad ang suspek na nakakulong ngayon sa RMPS at sasampahan ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.