Una sa Balita

Motorsiklo ni Digong nilait

0 492

SINISISI ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang klase ng motorsiklo na ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya’t sumemplang ito.

“Magaling magmotor ‘yun nu’ng araw pa nagmomotor ‘yun, silang dalawa ni (dating senador) Gringo Honasan. Palagay ko walang kuwenta ang motor niyang ginamit, maniwala kayo sa akin,” diin ni Sotto.

Binanggit pa ng senador na ang motorsiklong dapat gamitin ng Pangulo ay BMW imbes na Harley Davidson.

“Palagay ko baka sa tabi-tabi baka ‘di mahusay na motor gamit, ‘di sesemplang ‘yun kung ano eh. Dapat dun sila bumili sa amin, ‘yung 500 na BMW, ‘di ko gusto Harley,” komento ni Sotto sa interview ni Cely Bueno ng DWIZ kahapon.

Hindi pa mabatid kung anong klaseng motorsiklo ang ginamit ng Pangulo nang sumemplang ito sa Malacañang compound noong Miyerkoles nang gabi.

Tatlong bersyon ang lumabas na pahayag sa dahilan ng insidente at dala­wang klase rin ng motor ang sinasabing ginamit ng Pangulo, ang iba ay medyo mataas ang upuan at ang isa ay tatlo ang gulong umano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy