Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Motorsiklo nagbanggaan sa Guimaras, 2 patay

0 57

Nasawi ang dalawang rider matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Sibunag, Guimaras noong Miyerkoles.

Kinilala ang mga motorista na sina Jason Miague, 28, at Jeremias Galve, 29, kapwa residente ng Barangay Millan sa nasabing bayan.

Sabi ng pulisya, Abril 28 ng gabi nang mag-overtake si Miague sa isang sasakyan kaya niya nakasalubong si Galve. Pareho silang tumilapon sa kalsada ng naturang barangay sa lakas ng salpukan.

Sinugod ang dalawa sa ospital pero dineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Nabatid na walang suot na helmet ang mga rider noong panahong iyon. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.