Una sa Balita

Motornaper todas sa checkpoint

0 274

PATAY ang isang ­rider na tirador ng ­motorsiklo makaraang kumasa sa police checkpoint sa Meycauayan City, ­Bulacan.

Sa ulat ni P/Col. Emma Libunao, acting provincial director ng Bulacan Police, ­nakilala ang suspek na si ­Darwin Nacilla, nasa 20 hanggang 25 ang edad, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Dakong alas-12:25 kahapon nang mada­ling-araw nang maganap ang insidente.

Tinutukan ng baril ng suspek ang isang la­laking bibili lamang ng pagkain sa Barangay Perez, Meycauayan City saka tinangay ang motorsiklong Yamaha Mio at tumakas.

Kaagad na ­humingi ng tulong sa ­awtoridad ang biktima at kan­yang katulong na ka­agad nagsagawa ng Oplan Sita hanggang matiyempuhan ang suspek lulan ng kinarnap niyang ­motorsiklo at sa halip na ­huminto sa checkpoint ay ­bumunot ito ng baril sa kanyang sling bag at pinaputukan ang ­awtoridad na nakasuot ng ­bullet proof.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang pulisya at mapatay ang suspek. ­Narekober sa kanya ang isang ­caliber 38 revolver na kargado pa ng tatlong bala, isang pakete ng ­shabu at ang kinarnap na ­motorsiklo at sling bag na naglalaman ng ­personal na kagamitan ng biktima.

Tinutukoy na sangkot din umano ang suspek sa serye ng motornapping sa ­Meycauayan at kalapit pang lugar habang patuloy na ­inaalam kung anong grupo ng carnapping syndicate ang kinasangkutan nito. (Jun
Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More